Mukhang hindi naniniwala si Phillip Salvador sa survey. Hindi kasi siya nagpa-survey when he decided to run as vice governor ng Bulacan.
“Ang nagse-survey sa akin ay si Lord. Si Lord lahat ito, eh. Sinabi ko naman sa kanya, ‘Lord, may nag-file na naman ng exclusion sa akin. Ini-expect ko na ‘yon. Ngayon nga, ini-expect namin na may magpa-file ng disqualification,” said Phillip Salvador whose running mate is former Bulacan Governor Josie dela Cruz.
Foremost para kay Kuya Ipe ang peace and order at health kapag nagwagi siya bilang vice governor.
“Kasi ang ospital dito ay kulang pa, tapos ‘yung agriculture, ‘yung mga magsasaka, kung puwede naman ay mabigyan ng pansin.”
For someone who grew up acting, Kuya Ipe does not believe that politics and showbiz are the same.
“Hindi, eh, magkaiba sila kasi mas marami kang responsibilidad. Everyday kang papasok. Sa session, kailangan wala kang absent.”
SOME REPORTERS were asking why the likes of Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Ruru Madrid, Mark Herras, Ken Chan, Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia, Bea Binene, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, Andre and Benjie Paras, Glaiza de Castro, and Benjamin Alves shared their blessing by giving cash prizes sa pa-Christmas party ng GMA-7 for the entertainment press when the likes of Marian Something, Dingdong Dantes, Lovi Poe, Carla Abellana, Heart Evangelista didn’t bother to at least give raffle prizes.
Ang pinakanakakaloka rito, maging ang pinakasikat na artista ng Siyete na si Alden Richards ay tila wa care din sa press. Wala rin siyang ipina-raffle na kahit ano, to think na he’s the GMA’s biggest star.
Ang dating generous na si Ai Ai Something ay hindi rin nagbigay na pa-raffle.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas