Phillip Salvador, ‘di susuportahan si Sen. Grace Poe

Phillip-SalvadorThe “Presumidas” in showbiz would be quick to gauge an actor’s choice of his political bet based on common affiliation, affinity, or interest. Which means na ang pangalan ba ng presidential contender come 2016 elections na si Senator Grace Poe ang bibilugan ni Phillip Salvador on his ballot by virtue of their showbiz connection?

Sorry, pero ang lantarang minamanok ni Kuya Ipe ay ang pambato ng buong Mindanao na si Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte. Sa katunayan, nasa likod lang pala ni Duterte ang premyadong aktor during the latter’s proclamation sa Century Park Sheraton (that hogged the headlines because of his “Papal slur”).

Ayon kay Ipe—na desidido na ring pumalaot sa lokal na pulitika in his native Bulacan bilang Bise Gobernador—“Wala pa man sa political scene si Grace, even before she signified her interest na tumakbo for President, maka-Duterte na talaga ako. Naniniwala kasi ako sa kanyang kakayahan na baguhin ang bansa natin lalung-lalo na sa aspeto ng peace and order.”

Salungat naman ang preference ni Kuya Ipe sa sinusuportahan ng kanyang ka-tandem, the returning Governor Josie de la Cruz na nagsilbi na sa Bulacan for nearly three decades: “Dati akong taga-Liberal Party pero iba man ang partidong kinaaaniban ko, nagpaalam ako na si Mar Roxas ang susuportahan ko.”

Two different presidential bets and dissenting political thoughts, but with one trait of honesty driven by principle.

Hashtag: alam na ng mga Bulakeños.

KUWENTO ITO na matagal na naming nasagap tungkol kay Carmi Martin, a tale most people don’t know. But most of all, a story that Carmi wouldn’t wish to share.

Alam n’yo ba na naging tradisyon o panata na ni Carmi na mamigay ng mga laruan kapag may naiispatan siyang mga steet children while coasting along EDSA during late Christmas seasons nights?

In her sitcom Ismol Family, particularly sa mapanonood na episode this Sunday, not only did her character (Mama A) give toys in last week’s episode ay magpapa-feeding program naman siya.

No wonder, Carmi—whom we’ve known since her Chicks to Chicks days on IBC 13—is blessed dahil sa kanyang hindi ipinagmamakaingay na acts of charity.

Samantala, tuloy naman ang paggu-goodtime ni Yumi kay Ethan sa Ismol Family. Darating daw ang British Boy na si Bob. Nag-volunteer naman si Ethan na sa bahay na nila patutuluyin ito.

Nagplano namang magsimbang gabi sina Bernie at Amboy, at mukha nagkakalabuan pa sila.

Nalaman naman ni Lora ang feeding program ni Mama A at nainggit siya. Magpapa-feeding program din siya, this time para sa may mga rich kids.

Mama A’s feeding program becomes problematic: Kinapos kasi ang lugaw at hotdog. Tinutuklas nila kung paanong nangyari ‘yon at sino ang may kasalanan.

Hindi raw darating si Bob pero may nasundo si Ethan. Sino ang impostor na ‘yon?

Mag-away kaya sina Majay at Jingo sa paggu-goodtime ni Yumi kay Ethan?

All this and more, abangan ngayong Linggo sa Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePasko at bagyo
Next articleAlma Moreno at iba pang celebrities, pasok sa senatorial survey

No posts to display