Nagtataka lang ako kung bakit may mga paandar ang kalabang kampo ng aktor na si Phillip Salvador na nagnanais makapaglingkod bilang vice governor ng Bulacan na tila wrong information ang ipinakakalat nila sa mga taga-Bulacan sa kung ano ang totoo at dapat paniwalaan ng taumbayan.
Ang sinasabing maling information ng kampo ng kalaban ni Kuya Ipe, may paandar na disqualified na ito sa pagtakbo bilang vice governor.
“Kaya nga ‘yong mga tao na binibisita namin ni Gov. Josie dela Cruz, nagtatanong sa amin kung totoo ang balita,” panimula ni Kuya Ipe nang makaharap namin siya recently.
Sa recent presscon kasi ni incumbent Bulacan Vice Governor Daniel Fernando para sa ilang entertainment reporters, namudmod sila ng resolution ng Regional Trial Court ng Malolos (Bulacan) na ang nilalaman ay ang tungkol sa isyu ng residency ni Phillip Salvador sa bayan ng Marilao (tulad sa last election kung saan isyu rin ang residency ng aktor sa bayan ng Pandi). Pero hindi nilinaw ng kampo ng incumbent vice governor na iba ang dalawang kaso ng exclusion at disqualification na inilalaban pa ng aktor at isa itong mahabang proseso na maaaring umabot pa sa Supreme Court.
Knowing ang mga beki na tamad magbasa sa hawak-hawak nilang 20 pages na resolution ng Bulacan RTC at ng Comelec, iba ang isyu ni Salvador para hindi siya mapasali sa listahan ng mga kandidato sa isyu niya ng residency.
Kausap namin ang kaibigang Bemz Benedito ng LGBT partylist na “Ang Ladlad”, inapela nila sa Court of Appeals hanggang sa Supreme Court ang isyung disqualification ng grupo, kung saan nakakuha sila ng positibong resulta mula sa Supreme Court.
Kung ganito ang paandar ng kalaban, hindi ito tama. Hindi magandang demolition job ito para ang may mga pakana ay magsinungaling sa mga taumbayan for their purpose.
Para sa akin kung ano ang tama roon ako. No demolition job. No black propaganda para lang sa dahilan na maiangat nila ang mga sarili ay maghasik sila ng maling information.
Sa ngayon, halos 80% na nga ng Bulacan ang naikot ni Kuya Ipe kasama ang kanyang ka-tandem.
“Hahayaan ko kay Lord ang lahat. Siya ang magde-decide,” pahayag ng aktor.
Sa ganang akin, kung ano ang totoo, roon ako.
Reyted K
By RK VillaCorta