Phillip Salvador, laging nasa puso ang paglilingkod sa bayan

Phillip-SalvadorPublic service is where his heart has always been meant to be.

Ito ang muli naming narinig mula kay Phillip Salvador nang dayuhin namin ang kanyang team sa Villa Remedios sa Malolos last Wednesday. Kuya Ipe—as he’s dearly known in showbiz circle—is running for vice governor in Bulacan sa ilalim ng partidong nagsusulong sa muling pagbabalik ni Governor Josie dela Cruz.

Mamawis-mawis pero umaalingasaw pa rin ang bango, Kuya Ipe arrived at the sprawling Reyes-owned villa mula sa kanyang pagpa-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) before the Comelec which culminated in a motorcade. Aminadong nalipasan na ang multi-awarded actor ng gutom, but the sunny day was all worth it.

And why? Sa wakas kasi ay opisyal nang kandidato si Kuya Ipe bilang bise gobernador, thus junking the petition for his exclusion na isinampa ng tila pakawala ng kabilang partido na kumukuwestiyon ng kanyang residency.

Sa mga hindi nakaaalam, rehistradong residente ang aktor ng bayan ng Marilao, it being his roots kung saan nagmula ang angkan ng mga Reyes na kadugo niya.

Of course, this is not the first time that Kuya Ipe is seeking public office. Minsan na niyang sinubukang tumakbo sa lokal ding puwesto sa Mandaluyong but he lost. In the previous years, nabalita rin ang kanyang pagtakbo sa Bulacan at sa Pasay City but none of these had seen the light of day, ‘ika nga.

Given that, however, pursigido pa rin si Kuya Ipe in chasing his dream, “I’d like to serve.”

With approximately two million registered voters sa lalawigan ng Bulacan, anu-ano ba ang mga pagtutuunan ng pansin ni Kuya Ipe should he tread a political path? Sa kanya raw kasing pag-iikot so far sa ilang bayan ng Bulacan, he believes that the following major areas of concern should be addressed: health, agriculture, and peace and order.

Speaking of pag-iikot, ang charisma na taglay raw ni Kuya Ipe ang “ikinaloloka” ng nagbabalik na gobernadora who had served her constituency sa loob nang 27 taon.

Sey ni Gov. Josie na aminadong kinailangan niyang tapatan ng kapwa artista ang incumbent vice governor to gain leverage, “Ibang klase si Phillip Salvador. ‘Pag baba pa lang namin ng van, nakaabang na ‘yung mga kababaihan, nagtitilian, nagsisilapitan para magpa-picture, niyayakap siya. Kaya bago pa kami magsalita sa mga tao, dinudumog muna siya.”

So, ang pagkakaroon lang ba ng artista factor ni Kuya Ipe ang bentahe ng kanilang pangkat?

Depensa ni Gov. Josie, “Nu’ng una pa lang, alam ko na magkakasundo kami ni Phillip. Pareho kasi kaming maka-Diyos.”

Kuya Ipe: “‘Yung pagkaka-dismiss lang ng kasong exclusion laban sa akin ay isa nang senyales mula sa Itaas.”

Samantala, ang tambalang Dela Cruz-Salvador ay nasa ilalim ng NPC o Nationalist People’s Coalition, pero bakit hayagan ang suporta ni Gov. Josie sa kandidatura ni Mar Roxas sa pagka-pangulo, habang si Rody Duterte naman ang bet ni Kuya Ipe?

AS FAR as Quantum Films owned by Atty. Joji Alonzo is concerned, ang blockbuster movie nitong “English Only, Please!” na MMFF entry last year deserves no sequel, hence it’s offering “Walang Forever”, another Jennnylyn Mercado movie opposite Jerico Rosales.

By far, ang mga pelikulang gawa ng Quantum Films are the experimental-type that takes box-office risks sa isang taunang festival na nakatuon ang pansin sa paghamig ng revenues more than churning out quality films.

Minus our apologies sa aming obserbasyon that there are more garbage than no-nonsense MMFF entries, here’s one “negative-sounding” take on romance which is a potential award harvester come the Gabi ng Parangal.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAll We Need is Love
Next articleVice Ganda at Coco Martin, alam ang mga pinakatatagong sikreto ng isa’t isa

No posts to display