Phillip Salvador, nakahanap ng kaalyado sa hindi kapartido

Phillip Salvador
Phillip Salvador

Despite their party affiliations, nakahanap ng ally si Phillip Salvador sa katauhan ni Pandi (Bulacan) Mayor Enrico Roque.

The Pandi reelectionist is with the Liberal Party, samantalang nasa ilalim ng National People’s Coalition si Kuya Ipe. Entonces, magkaiba ang sinusuportahan nilang presidentiable.

Malinaw na inilatag ni Enrico ang kanyang mga baraha, refusing to hold them close to his chest dahil gusto lang niyang magpakatotoo sa kanyang sarili at sa kanyang pangkat. Even before local politics got the better of him, kapamilya na kasi ang turing niya kay Kuya Ipe, so much so that did you know na kabisadong lahat ni Enrico ang mga crime-busting movies ng aktor?

Pero por delicadeza—pagba-bargain ni Mayor Enrico sa LP—this campaign season ay hindi niya iaanunsiyo sa Bulacan that his vice gubernatorial bet is Kuya Ipe. But neither would he go up the stage to raise the arm of the LP’s bet sa  pagka-Vice Gov in full regalia.

Asked kung ano ang tsansa ng aktor sa minimithi nitong posisyon, Mayor Enrico—who has his younger brother Councilor Ricky as his vice mayoral candidate—asserts na maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkapanalo nito.

WITH MORE than three weeks to the May 9 Election Day, by now ay halos na buo na marahil ang pagpapasya ng taumbayan as to who they will elect as the next most important leaders of this nation.

Kami man ay meron na ring personal choices sa pagka-Pangulo, pagka-VP at pagka-Senador, kabilang ang mga lokal na opisyal sa aming lugar sa Pasay City.

In the meantime, as to the presidential bets ay hihintayin muna namin ang ikatlo at huling yugto ng debate among the five wannabes bago matapos ang buwan, this after nasaksihan ng bayan ang torno naman ng mga kumakandidato sa pagka-VP nitong Linggo sa UST.

Admittedly, we are not a fierce Bongbong Marcos supporter, “blame” it on our historical cognizance dahil bagama’t nasa elementarya pa lang kami noong panahon ng pamumuno ng mga Marcos, the regime had spanned across the times of our political awakening.

Presumably, ang mayorya sa audience sa UST debate last Sunday composed of young idealists, mga mag-aaral na hindi naabutan ang rehimeng Marcos but students whose historical awareness is inspired by their studies or stories told by their elders.

Ang bottom line: their nationalistic sentiments have rubbed off on Bongbong, the scion of the biggest thief in the history of Philippine politics.

Pero gayunpaman, ang inasal ng mga hecklers sa audience was not only an act that Bongbong did not deserve, kundi isang asal na mahirap ikunekta to the supposedly learned, urbanized throngs of students who had better displayed their protesting stance on Espana street, sa labas mismo ng UST.

And not where the VP debate was being conducted.

So, ibig bang sabihin, dahil sa awa namin kay Bongbong ay siya na ang aming VP choice? Hindi rin.

Undeniably a chip off the old block, we refuse to be a party to rewriting history.

SA MGA mahihilig sa run-off-the-mill horror films, tiyak na walang hindi nakakakilala kay Bangkay, that familiar Pepe Smith look-alike na paboritong kinukuhang cast member.

Thanks to Viva TV, hindi na kasi pang-All Saints’ Day o pang-MMFF ang “byuti” ni Bangkay as he plays Tata Nong, a long-haired hermit in the enchanted paradise whose mythical fairy denizens ay mga kaibigan ni Tasya sa “Tasya Fantasya”.

While all the other paradise creatures play pimps to Tasya (Shy Carlos) and the men in her life (played by Mark Neumann and AJ Muhlach), Bangkay doesn’t play favorites. Ang kanya, kung sino talaga ang itinitibok ng puso ni Tasya ay du’n siya, ayaw niyang saklawan ang kaparapatan nitong mamili kung sino ang kanyang minamahal.

Mahalaga ang papel ni Tata Nong sa kuwento dahil sa kanyang paraiso nabunyag kung sino ang utak sa likod ng pamamaslang sa mga magulang ni Tasya, walang iba kundi ang kanyang amo played by Ara Mina.

Sa mga sabik na nag-aabang ng mga makapigil-hiningang tagpo ng Carlo J. Caparas fantaserye na ito, “Tasya Fantasya” airs at 8 pm every Saturday pagkatapos ng “#Parang Normal Activity”.

From a creepy show to Bangkay, what a segue!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMabahong gilingan!
Next articleJohn Lloyd Cruz at Direk Cathy Garcia-Molina, parehas ang level ng excitement na makatrabaho si Jennylyn Mercado

No posts to display