Kung noong huling eleksyon ay nagkaroon ng aberya si Phillip Salvador sa kanyang pagtangka bilang isang public servant sa Lalawigan ng Bulacan, this time, siguro naman ay wala nang angal or issue na ibabato sa aktor, ngayon na official residence na siya ng Marilao, Bulacan.
Noong huling eleksyon kasi na-technical si Kuya Ipe sa kanyang kandidatura nang uriratin ng kalaban ang kanyang residency sa Bulacan.
Sa mga hindi pa nakababatid, mula nang magkaroon ng residency issue si Kuya Ipe, siya na mismo ang nagkusa na sa Marilao na siya manirahan na siyang original niyang pinagmulan (ng parents niya).
Yes, Kuya Ipe is happily married sa misis niya na si Ate Ema at kasal sila sa Amerika in the 90’s.
“May anak kami, si Pike. Kamukhang-kamukha ni Josh. Matangkad din,” kuwento sa amin ng aktor na sa darating na halalan ay nangangarap maglingkod sa sambayan ng Bulacan as vice governor together with his teammate na si former Bulacan Gov. Josie dela Cruz.
Hindi kaya magkaroon sila ng iringan ni current Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na both ay mga taga-showbiz at magkaibigan?
Sabi ni Kuya Ipe, “Nagkita kami sa Comelec nang mag-submit ako ng COC. Nag-usap na kami. Hindi dapat madungisan ng inggit ang pagtakbo namin pareho sa local election sa May,” panigurado ng aktor.
Reyted K
By RK VillaCorta