Phillip Salvador, tuloy raw ang laban kahit nahaharap sa 2 kaso

Phillip Salvador, tuloy raw ang laban kahit nahaharap sa 2 kaso“Tuloy ang laban!” Ito ang mariing deklarasyon ni Phillip Salvador to quell rumors spawned by his opponents na hindi na siya tatakbo bilang Vice Governor ng Bulacan.

Totoong may kinakaharap ngang dalawang kaso si Kuya Ipe—exclusion at disqualification—but both cases have yet to be decided upon by the Court of Appeals and the Comelec, respectively. Pero sa ngayon, nananatili siyang kandidato sa ilalim ng National People’s Coalition with the returning Josie de la Cruz as his running mate bilang Governor.

Without naming names, kilala raw ni Kuya Ipe ang mga taong nasa likod ng demolition job na ito. Isa ba ang kapwa niya aktor na si Daniel Fernando sa mga ito who considers him a threat to the post? “Kaibigan ko si Daniel. Nagkataon lang na gusto ko ring magsilbi,” ani Kuya Ipe whose residency is beyond question dahil ang kanyang ina ay tubong Bulacan.

“Kaya nga sa ginagawa naming pag-iikot ni Governor Josie, gusto lang naming maging aware ang mga tao na tumatakbo kami. Kasi, ipinagkakalat ng mga kalaban namin na hindi raw tuloy ang aming pagtakbo. Ang sa amin lang, lumaban tayo nang parehas,” sabi pa niya.

Aniya, more than 80% of the province—which consists of three cities and 21 municipalities—ang napuntahan na nila, “Kahit ‘yung mga lugar na hindi napupuntahan ng ibang pulitiko, nararating namin, our way of telling the Bulakenyos na hindi po totoong na-disqualify na ako. Sabi ko, ‘The mere fact that you see me now means I’m still in the running, and I’m giving it a good fight!’”

SA PINAGSANIB nilang puwersa, babaguhin ng TV5 at Viva Communications ang mukha ng primetime programming simula mamayang gabi.

Dalawang oras lang ang pagitan ng mala-back to back treat which is hoped to alter the viewing habits ng mga manonood: Flavio in the Carlo J. Caparas’ epic “Ang Panday” wields his magic sword at 7 pm, habang ang sinusubaybayan nang conflict among Marla, Ricardo, George, and Alex heightens at 9 pm in “Bakit Manipis ang Ulap?”

Dalawang programa that cater to diverse audiences. Two big-budget productions na kasinglaki ng mga pangunahing bituin. Isang pares ng pasabog that is happening tonight.

Palalampasin n’yo pa ba?

BRACE YOURSELVES sa bagong bihis, siksik sa saya, pasabog, at pakulo na “Happy Truck Happinas”, TV5’s riot-filled and exciting Sunday noontime show na magsisimula na sa March 6, Linggo, alas-onse ng umaga.

Ang tried and tested comic tandem nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs pa rin ang magsisilbing hosts nito na kinabibilangan din ng Kapatid Network hunk Derek Ramsay. Joining Derek are Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Empoy, Tom Taus, Kim Idol, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Eula Caballero, at ang all-girl group na Sugar and Spice as the Happy Peeps.

Exciting prizes await the lucky contestants na hahakutin ng Happy Truck mula sa iba’t ibang mga barangay patungo sa TV5 studios. Magkakaroon ng warm-up game na Linggo Limbo, kung saan magpapagalingang mag-limbo rock ang ilang studio participants, five of whom will be chosen by Ogie and Janno para umabante sa susunod na level. Every level has a corresponding prize.

Ang iba pang masasayang segments ay ang Dummy Kong Tawa ni Kim Idol; My DIY (My Daddy is Yummy), isang search para sa good-looking at hot daddies sa studio; at Mutya Ka ng Bayan (The Next Beks Factor), isang talent search para sa mga beki na may kakaibang uri ng hanapbuhay.

May remote segments din tulad ng Kalye Diva, kung saan maaaring sumali ang mga biritera ng barangay; I-Peg Peg Mo para sa mga may celebrity look-alike; at Special Delivery, kung saan maaaring iboto ang isang kabarangay na may mabuting kalooban at pagkakalooban ng regalo.

Also never to be missed ang Basagan ng Brains, IQ ay Pilipino, OJ In-Between, VideOK na, KantaRant, Quick ang Answer, Pik Pak Boom, Walang Hulugan! at Walang Basagan ng Trip.

Also joining the Happy Truck barkada are child wonder Alonzo Muhlach, 2016 “It” Girl Shy Carlos, Dance Floor Princess Yassi Pressman, Viva artists Meg Imperial, Bangs Garcia, Sam Pinto, Ella Cruz, Roxee B, Kim Molina, Monica Cuenca, at ang all-male barkada ng Yolol (You Only Live Once Lang) composed of Akihiro Blanco, Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas, at Jack Reid.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleXian Lim, ‘di raw magiging mapili sa pagtanggap ng pelikula
Next articleMartin del Rosario, mas type ang mas may edad na girlfriend

No posts to display