MAGAAN ANG DATING ni Princess Punzalan sa kanyang pagbabalik, kahit nga demonyitang kontrabida ang role niya sa The Last Prince na nagtatampok kay Aljur Abrenica sa title role, sa bagong tele-fantasya ng GMA-7. Wala nga siyang kahit ano pang puwedeng sabihin tungkol kay Willie Revillame at sa kanilang nakaraan.
Nang magkanya-kanya na sila ng buhay, nawalan na rin sila ng komunikasyon sa isa’t isa. Ang tanging bukambibig na lang ni Princess ay ang American husband niyang si Jay Field, na isang marketing and business man. Nag-aaral ng Nursing sa Sta. Monica College sa Amerika si Princess, at naririto lang siya for a few weeks para magbakasyon at tapusin ang kanyang commitment sa GMA-7.
Mahaba-habang bakasyon ‘yun kaya nag-decide si Princess na pupuwede niyang isingit ang trabaho. Tumanggap siya ng assignment mula sa GMA-7 through Genesis Entertainment and Angeli Pangilinan, na siyang nagma-manage sa career niya. Welcome agad si Princess sa GMA-7, na ang huling nagawa niyang teleserye ay ang Now and Forever, para rin sa Kapuso Network.
Nasanay na sa routine niya sa Amerika si Princes for the past five years. Nang mag-aral siyang muli, gumigising siya ng madaling-araw para mag-prepare ng breakfast at mag-aral. Then, by 7 P.M. ay nasa school na siya dahil mahirap daw ang parking sa school nila kung male-late siya.
Si Liezl Martinez pa lamang ang nakakasama niyang kaibigan mula nang magbalik siya. Noong bago mag-Pasko, muli silang nag-bonding ni Liezl, na alam naman ng marami na lumalaban pa rin sa sakit na kanser.
Wish ni Princess na makasama pa niya ang iba niyang kaibigan na nami-miss niya, including Pops Fernandez. In a few months, mukhang muling mag-aaktibo nga si Princess sa showbiz.
SI PHILLIP SALVADOR pa rin definitely ang gaganap na Lizardo sa sequel ng Panday na tiyak na raw na isasaling muli sa susunod na Metro Manila Film Festival. Hindi na nga pupuwedeng mawala rin ang franchise ng Panday sa MMFF, lalo na’t naging numero uno ito sa takilya sa nakaraang festival.
Talaga palang sarling interpretasyon ni Kuya Ipe ang ipinamalas niya sa Panday, na for the first time, nagkaroon ng evolution ang character na noo’y ginagampanan ng yumaong Max Alvarado. Dalawang magkasunod na festivals nang nagwagi bilang Best Supporting Actor si Kuya Ipe. Para sa Baler noong isang taon at last year, para nga sa Panday.
Ang gustong gawin ngayon ni Kuya Ipe ay isang teleserye, para raw maiba. Dahil tiyak daw na sa huling bahagi ng taon ay magiging abala uli siya para sa pagganap muli bilang Lizardo.
Calm Ever
Archie de Calma