TALIWAS SA MGA ispekulasyon that they are giving each other a cold shoulder treatment, nag-uusap pa rin sina Vic Sotto at Pia Guanio, this after their breakup and eventually, after the latter got civilly wed to Steve Mago recently.
Ito ang nilinaw ng aming source mula sa Eat Bulaga (who requested anonymity), one of Pia’s three existing shows at present. Ayon dito, even before Steve and Pia’s union under civil rites ay aware ang mga kasamahan ng TV host sa naturang programa, “Pero hindi namin ‘yun pinag-uusapan. Respeto na lang,” sabi ng aming kausap.
This is in stark contrast sa kuwento ng isa naman naming impormante mula sa Showbiz Central, isa rin sa mga regular show ni Pia. “Kaming mga staff, clueless lahat kami na ikakasal pala si Pia. The week before her civil wedding, may nakakita kay Pia sa dressing room na may sinusukat na damit. That was exactly the same dress that she wore during the wedding. So, tinanong tuloy siya kung para saan ‘yung sinusukat niyang damit. Ang sagot ni Pia, may aa-tenan daw siyang kasal, abay raw siya. Kamukat-mukat namin, siya na pala ‘tong ikakasal.”
Samantala, sa programang 24 Oras (Pia’s other show) nakipag-banter ang newly-wed sa co-host nitong si Mel Tiangco. Diretsong tinanong ni Tita Mel kung nagdadalantao na si Pia kung kaya’t tila napabilis ang kasalan. Pia denied it.
Magandang balikan ang on-camera interview na ‘yon, if by July 2012 ay kabuwanan ni Pia ay “pasado” siya sa mala-Don’t Lie To Me segment ng naturang news program.
HAVING LEARNED FROM its shortcomings in the past, above all else ay tiniyak ng pamunuan ng Wil Time Bigtime that no such unfortunate repeat of Wowowee’s stampede will occur sa pagdiriwang ng unang anibersaryo nito at the Big Dome bukas.
Isa sa mga ipinatupad na security measures as far as crowd control is concerned ay ang nauna nang pamamahagi ng mga tiket sa Amoranto Stadium. This is to ensure na ang mga ticket-holders ay hindi na kailangan pang makipagbalyahan, makipag-unahan at makipagsiksikan that might result in an occurrence similar to the Ultra incident years ago.
Kasabay nito ang mariing pagtanggi ng produksiyon ni Willie Revillame that no untoward incident ever took place in the well-facilitated ticket distribution. Naiulat kasi na meron daw mga matatandang nasaktan, worse, one of those on the line had to be rushed to the hospital due to an emergency case.
Ipinagpapalagay na ang mga nagkakalat nito sa mga social networking site are only out to discredit WTBT, most specially its main host. But of course, with its continued patronage, easy target nga naman si Willie based on a fateful historic event, kung saan—after all—damay rin naman ang ABS-CBN.
WTBT’s paper year is just magnified as its host broke away from his mother network, hence, ang mga ganitong “pakawalang” nega publicity in an attempt to thwart an occasion of this huge proportion.
ANG PAGHAHANAP SA tunay niyang ama ang naging ugat kung bakit namayani sa puso ni Melissa ang poot sa kanyang dibdib. Dahil dito, ibinaling niya ang kanyang bitterness sa buhay sa episode ngayong Biyernes na pinamagatang Kabit Ka! Mamamatay Na Siya… Mga Itsismis Dahil Walang Papa! Ipinagkakalat ni Melissa na kabit ang kapitbahay na si Maritess, at ang isa namang may goiter ay itsi-tsismis niyang matetegi na.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III