Pia Moran, naka-rehab sa Pampanga? – Ronnie Carasco

BER NA, ‘DI ba ? Kaya  imberna (imbiyerna) rin ang pamunuan ng isang drug facility sa Magalang, Pampanga sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na pinagdalhan kay Pia Moran for rehabilitation.

Matatandaang tiko ang dating sexy dancer-actress sa umano’y buy-bust operation kamakailan sa Novaliches na inilunsad ng PDEA sa pangunguna ni Agent Derrick Carreon (who, in fairness, can pass for a movie star, ha!) Pero buong ningning na itinanggi ni Pia na parokyano siya roon ng ipinagbabawal na gamut, tutubusin lang daw niya ang kanyang cellphone.

Anyway, bilang follow-up story ng Startalk ay dinayo ng crew ang nasabing rehab center sa Pampanga, and true to the name of its town ay “magalang” ding nangalap ng impormasyon an gaming programa. Kaso, imbiyerna ang mga tao roon sa PDEA, bakit daw nito itsinika sa media nang bonggang-bonggang ang kinaroroonan ni Pia?

Supposedly, ang mga ganitong kaso raw, lalo’t  involving wayward (wayward daw, o!) showbiz personalities, are treated with strict confidentiality. Pero para raw hindi masayang ang effort ng Startalk, nakipag-cooperate na rin ang taga-rehab center.

Sey ng staff nito: “Teka, tingnan ko muna kung nasa listahan namin si Pia Moran. Teka, siya nga ba ang pakay n’yo?

Startalk: Opo…pero tiyak po na wala na sa listahan n’yo si Pia Moran.

Rehab staff: Teka, akala ko ba, eh, kaya kayo narito dahil tsini-check n’yo kung ditto ni-rehab si Pia Moran?

Startalk: Wala nga pong Pia Moran diyan…kasi screen name lang po niya ‘yon. Ang totoo po niyang pangalan, Susan Casino.

‘Katawa, hindi sa “illegal gambling” natiklo ang hitad.

Mga nag-audition sa Starstruck, aabot ng 1 Milyon?

O.A AS IT may sound, pero saksi ang inyong lingcod sa Day 2 ng auditions para sa Starstruck Batch 5 nitong Lunes. On every hopeful’s chest ay nagmumura ang numero o control number: nasa 71,000 plus na ang naabutan ko bandang hapon pa lamang.

Teka, kung ikalawang araw pa lang ‘yon ng preliminary screening, which will run a total of 25 days (Mondays to Fridays at the GMA Network Center) or equivalent to five working weeks until Oct. 2, aba, aabot ito ng kulang-kulang 900,000! Aba (uli!), short na lang ito ng isandaang libo para makumbinsi si Noynoy Aquino para tumakbong Presidente!

Ang mind you, Metro Manila auditions pa lang ‘yan, puwera pa ang nakaiskedyul nang paghahanap ng totoong may mga “fezlak” (mukha, gagah!) sa Dagupan, Pampanga, Cebu, Davao, Iloilo, Molino (Cavite), Bacolod, Naga at Cagayan de Oro.

Pero siyempre, may Biblical saying na “many are called, but few are chosen”. At sa daanglibong dreamers at believers, iilan lang ang magiging survivors (ayon nga sa program blurb nitong Dream, Believe, Survive).

Pasintabi lang po sa ibang mangangahas mag-audition kahit pa libre ang mangarap, unahing MANALAMIN bago MANALANGIN.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePagbabati ni Cristine Reyes, Pokwang at RR Enriquez, kaplastikan lang?
Next articleAlyssa Alano, nabiktima ng dugo-dugo gang – Gorgy’s Park

No posts to display