KILALA natin ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach bilang isang empowered woman, pero alam niyo ba na bago niya natamasa ang tagumpay bilang isang beauty queen (after dozens of attempts) ay nakulong din ito sa isang ‘toxic’ relationship?
Ito ang inalala mismo ni Pia sa kanyang podcast na ‘Between Us Queens’ kung saan inamin niya na naging ‘submissive’ siya sa kanyang ex-boyfriend.
Dahil sa pagkabulag sa pag-ibig, ipinagpalit niya ang kanyang pamilya, kaibigan, karera at kahit mismo ang kanyang personal space para lang sa kanyang toxic ex. Dahil dito, wala siyang souce of income at sariling bahay. Hindi rin siya pinapayagan na makipagkita sa mga kaibigan na hindi trip ng kanyang boyfriend.
“Under ako noon sa lalaki. Yung parang kung ano yung sabihin niya, yun ang masusunod. Hindi ako lalaban kahit alam kong mali. I didn’t really have a voice. So, I was that kind of girl. I was very submissive,” kuwento ng beauty queen.
“I had a relationship before where mas pinili ko ‘yon kesa yung trabaho ko, kesa yung career ko. Mas pinili ko siya kesa hanging out with friends. Mas pinili ko siya kesa sa spending time with family.”
“I gave up my career, I stopped doing the jobs that I was doing, which also meant I didn’t have an income. So, I had nothing.”
Pag-alala pa niya na naramdaman niya na she was ‘feeling so lost’. “I didn’t have a voice anymore and parang walang identity,”
Salamat sa kanyang kapatid na si Sarah, natauhan din si Pia.
“One day, I just woke up and I realized I didn’t want this anymore. Ganun,”
Umabot pa sa punto na Php 100 na lang ang laman ng kanyang wallet ay kinailangan pang makitira sa isang kaibigan dahil wala na siyang ibang mapuntahan.
“I just remember packing whatever I could, getting into my friend’s car. And just having only PHP100 in my wallet. Wala akong pera. Wala akong trabaho. As in wala lahat. “And I had to rebuild myself again from zero,”
Naging ‘big learning experience’ ang kanyang past toxic relationship at natutunan nito na hindi puwedeng ‘yes girl’ tayo palagi.
“Totoo yung sinasabi nila na mahalin mo nang mahalin hanggang sa mapagod ka. Ibuhos mo na lang hanggang ikaw na mismo sumuko ka na. And that’s what happened to me. I gave it everything—all of my time, my efforts, my heart. And then, napagod ako. One day, I just woke up and then I left.”
“May mali rin ako dun, for sure. Kasi I let it happen. It’s not a crazy breakup story… Sometimes, a crazy break story is a very self-destructive one, na it doesn’t mean na big fight, big something, but it’s just a gradual decaying of your soul. Na parang naubos ka na at na-realize mo na naubos ka na. And then you apply that lesson for the next time, na next time I’m gonna leave some (love) for myself” pagtatapos nito.