SIMULA nang manalo bilang Miss Universe noong 2015, naging busy na sa iba’t ibang responsibilities bilang Beauty Queen si Pia Wurtzbach. Dumating din ang samu’t saring proyekto tulad ng modeling gigs, endorsement shoots, TV at movie appearances. Halos sa eroplano, trabaho, kotse at hotel na umikot ang mundo ng dalaga kaya naman napaka-hectic talaga ng kanyang iskedyul.
Kasalukuyang nasa Europa si Pia with her businessman hottie boyfie na si Jeremy Jauncy. Ngayon na limitado ang puwedeng gawin ni Pia on her professional life, may ilan itong realizations na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram followers kamakailan habang ninanamnam ang magandang sunset view:
Lahad ni Pia, “I’m a city girl and I love the fast paced lifestyle. I got used to living in cities with tall buildings and I have to admit, I was never really crazy about sunsets, sunrises or anything with a view. Parang sakin kasi araw araw namang nangyayari yan so bakit ko tititigan? “
“Pero nitong quaratine parang sobrang naappreciate ko na sya. Ngayon naiintindihan ko na. Naappreciate ko na mag hiking, naappreciate ko na yung feeling ng araw sa mukha ko, yung pag lubog ng araw, paglalangoy sa dagat (kahit na di naman ako marunong lumangoy) basta LAHAT.”
“Patuloy pa niya, “Yung nature sobrang naappreciate ko na at naiintindihan ko na kung ano yung nakikita ng ibang tao sa kanya. ? Sobrang stress reliever pala talaga nya. Alam kong napaka swerte ko na maexperience ito kaya sobrang grateful ako.
“May mga magandang naituro rin pala itong covid sakin like going back to basics. Iba na tingin ko sa mga sunsets ngayon. ? Ayun. Wala lang, shinare ko lang. Haha.”
Katulad ng maraming Pinoy na puro kayod ang inaatubag para malagpasan ang mga challenges na hinaharap sa buhay, napilitan din si Pia na mag-slow down at i-treasure ang mga quiet moments niya. Siguradong maliban sa magagandang view na kanyang nakikita ay nakatulong din ang presence ng kanyang boyfriend na in fairness, mukhang smooth-sailing ang kanilang relasyon, ha? No controversies, just two hot individuals who fell in love with each others. Naks!
Dahil tumatanda na rin si Pia, baka napapaisip na rin ito mag-settle down. Who knows, baka pag-uwi niya ay engaged to be married na pala ang ating minamahal na Miss Universe. Apir!