SA WAKAS ay nagsalita na ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach tungkol sa isyung patuloy na kinasasangkutan ng inang si Cheryl Alonzo Tyndall at nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.
Idinaan ng beauty queen sa kanyang Instagram account ang pakikiusap sa mga netizens na huwag na sanang sumawsaw at dumagdag pa sa isyu.
“I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.
“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming. Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko. Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing.
“Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”
As of writing ay sinagot na ni Mrs. Tyndall sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ang mga akusasyon ng kanyang bunsong anak na si Sarah.
Sa kabilang banda ay sinasagot ni Sarah ang mga katanungan ng mga curious followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories.
Nakakalungkot ang pinagdaraanan ngayon ng mag-iina at naiipit asi Pia sa sitwasyong ito. Sana’y mahanap nila ang katahimikan na mas kailangan natin ngayon lalo pa’t hindi biro ang pinagdadaanan nating global pandemic. We’re wishing for everyone’s healing!