Pigsa

MANIWALA KAYO o hindi. Kagagaling lang ng isang dalawang mata ng pigsa sa aking kuyukot. Hanep ang sakit-sakit. Talaga.

Sa wikang Ingles, pigsa ay boil o furuncle. The cause is bacteria entering a hair follicle on a sweat through a cut or abrasion on the skin surface. It is self-healing but requires antibiotic upon rupture. Sa dinami-dami ng puwedeng paksa, bakit pigsa pa?

May biblical reference ang pigsa. Dahil nang subukan ng Diyos ang tibay ng pananampalataya ni Job, katakut-takot na pagsubok ang pinadala sa kanya.

Namatay mga alagang hayop; nasunog lahat ng ari-arian; namatay ang asawa at mga anak. At huling pagsubok ang pagtubo ng iba’t ibang klase ng pigsa sa kanyang buong katawan. Ngunit lalong tumibay ang pananampalataya ni Job. Sa kawakas-wakasan, winika niya: “God has given; God has taken away. Blessed be the name of thy Lord.”

Simula pa pagkabata, pigsain na ako. Dahil wala pang mabisang antibiotic noon, pagputok ng pigsa, langgas ng tubig na pinakuluan ng dahon ng bayabas at pahid ng mercuocrom o tincture of iodine. Labis na pagkain ng matataba at matatamis ang dahilan ng pigsa.

Mga diabetics ay prone din sa pigsa. Dahil ito sa abnormal flow of blood dala ng pagkalunod sa asukal. ‘Di naman life-threatening ang sakit. Grabe lang, nakaka-annoy at talagang napakasakit pag ‘di pa pumuputok. Siste pa rin, walang iginagalang na lugar ng katawan ang tinutubuan.

Sa mga corrupt at pasaway sa pamahalaan, bagay sa inyo ang parusahan ng mahirap pagalinging pigsa para kayo’y tumino.

SAMUT-SAMOT

 

TRADPOL. KANTIYAW kay boxing champ Manny Pacquiao na nagpalit na naman ng political party. Kamakailan, sumapi siya sa PDP-Laban ni VP Jojo Binay. Simula nang pumasok sa pulitika, nakaapat na partido siya. No big deal. Unang-una, ano ang mental fitness ni Pacquiao na naging pulitiko? Lahat na lang, sinasawsawan niya. He need not be controversial. Stick na lang siya sa boxing at bible-preaching. At lumingon sa pinanggalingan sa pamamagitan ng pagtulong sa mahihirap. As congressman, no. 1 absentee sa Kongreso. Ngayon naman, gobernador ng Sarangani. Aba, Manny, mauubos din ang suwerte mo. Bumalik ka na sa lupa!

ISANG PUWEDENG senatoriable ay si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. In no time, he has placed Valenzuela in the limelight. He has transformed what used to be a small and obscure town into a bustling and progressive city. In other words, may K siyang tumakbo.

MAMERA NA ang Senado. Kung sinu-sino na lang ang puwedeng tumakbo. Basta artistang sikat, sure ball na. ‘Di baleng walang laman ang dalawang pagitan ng te-nga. Dahil dito, ‘di na rin special people ang mga senador. Pababa na nang pababa ang uri ng mga nahahalal sa Senado. ‘Di kagaya nu’ng panahon nina Claro M. Recto, Quintin Paredes, Jose P. Laurel, Lorenzo Tañada, Ninoy Aquino, Jose W. Diokno. Mga de-kampanilyang senador, matatalas ang ulo at hitik ng integridad. Kabaligtaran na ngayon.

LALO NA ang Mababang Kapulungan. Nababoy nang husto simula nu’ng nagkaroon ng party-list. Kung sinu-sino na lang ang nahahalal. Naglaho na ang may statesman caliber tulad nina Senador Cornelio Villareal, Speaker Jose B. Laurel at Speaker Eulogio Rodriguez. ‘Di na karangal-rangal ang mga kongresista.

PATI MGA barangay chairman ngayon ay tinatawag na ring honorable. Namamayagpag. At may pork barrel na rin. Subukan ninyong makipag-transaksyon sa inyong barangay. May red tapes na rin. Dati, balewala ang barangay chairman. Ngayon may datung… este, dating na. He! He! He!

ISANG NAIA janitor ang nagsauli kamakailan ng halagang P1.2-M na naiwan ng isang foreign tourist. Kapuri-puring halimbawa. Nangangahulugan ito ng kabayanihan ng maliliit na manggagawa. Ang NAIA management ay dapat gawing permanente ang janitor. Bukod dito, bigyan siya ng kaunting pabuya.

PAINIT NA ang 2013 elections. Sa Oriental Mindoro kamakailan, mismong si P-Noy ang nag-endorse kina Sonny Angara at Joel Villanueva bilang pros-pective LP senatorial bets. Kay Sonny Angara, wala akong problema. Anak ng batikang senador, si Sonny ay magaling at masigasig ding mambabatas at may first class education sa abroad. Ang problema

ko kay Villanueva. Ano’ng kanyang karapatan? Bilang isang party-list legislator, zero performance. Dahil bas a JIL following ng kanyang ama ang pa-ngunahing dahilan? Naman. Naman. Mamera na ang mga senador. Kung sinu-sino lang puwedeng pulutin at patakbuhin. Maawa naman kayo sa bayan. Kaya pala sa mga pangunahing thoroughfares ng Kamaynilaan, nagkalat na mamahaling billboards ni Villanueva tungkol sa TESDA. ‘Di ba kaakbay ng wangwang, pinagbawal na ang mga self-advertisement ng mga pulitiko? Mantakin mo ang ginagastos ng TESDA sa billboards. Dapat imbestigahan kung saan galing ang pondo at panagutin.

UNTI-UNTI NANG nawawala sa balita ang pagtatago nina Joel Reyes at kapatid dahil sa kasong pamamaslang. Suko na rin ‘ata ang PNP sa pagdakip kay Palparan at Ecleo. Ano bang klaseng pamahalaan tayo? Why can’t we enforce the law? DILG Sec. Robredo, magtrabaho ka naman!

BUTAS DITO, butas doon. Kahit puwede pa ang mga kalye, nire-repair at nagdadala ng dambuhalang trapik sa Kamaynilaan. Paging PDWH Sec. Babes Singson! Ano ba ‘tong pinaggagawa mo? Sa tirahan ko sa Rosario, Pasig City, grabe ang sitwasyon. Road-blocking projects, kabi-kabila at maaaring matapos pa sa susunod na Semana Santa. ‘Pag simula ng pasukan at ulan, gabundok ang magiging problema. Walang short o long-term plano, papatsi-patsing solusyon. Buhay P-Noy!

DAPAT MAGTALAGA ng barangay tanods, DSWD staff o mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng kanto ng Taft Ave. at Libertad sa Pasay City. Kapag rush hours, maraming rugby boys at girls ang nag-lipana na nag-aabang ng mga inosenteng nilalang na puwedeng biktimahin. Nu’ng isang linggo, namataan namin ang isang lalaking pinagtangkaang agawan ng baso ng sago ng isang nanlilimahid na rugby girl. Buti na lang listo ‘yung mama at naitaboy ‘yung makulit na rugby girl.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleAng Mahiwagang Exit Visa
Next articleKarapatan sa Insurance Policy ng Namatay na Asawa

No posts to display