SA LARONG BASKETBALL, bawal ang pikon, Hindi pwede ang balat sibuyas.
Kung super hero ka man sa ibang mundo, sa hardcourt, lahat pare-pareho. Lahat kayo pantay-pantay.
Kung may balyahan man at konting kapalpakan sa hardcourt, hindi ito maiiwasan. Hindi na ito bago. Larong macho. Laro ng mga brusko.
Kaya naman nagtataka ako na bigla naging balat sibuyas si Daniel sa opinion ng mga miron.
Nagkakataka lang kung bakit dina-drama pa ni Daniel ang isang opinion na pwede naman palampasin.
Ang opinyon sa Twitter ni Paul Salas sa pangyayaring aberya between Daniel at JC de Vera last Sunday ay lumaki na parang reaksyon ng mga dalagang tsimosa at emotera.
Funny ang nangyaring reason ni Daniel. Emote kung emote na pati mga faney niya ay nakisawsaw. Si Kathryn Bernardo, sumali sa isyung usapang “barako” ng mga dyowa nila. Maging ang girlfriend ni Paul (forgot her name na dating taga-bahay ni Kuya sa PBB while I’m writing this item) ay nakisama na rin sa kaguluhan sa dahilang “for the love”.
Big issue at trending na pinaguusapan online ng mga faney kaysa sa isyu ng Commission on Appointment sa hindi pagkatalaga kay Sec. Judy Taguiwalo sa position as DSWD Secretary at isyu ng mga “Bakwit” ay naging malaki ang sunog ng Twitter War.
Ang away sa hardcourt ng dalawang mga artista dahil lang sa opinion, pati nanay ni Daniel na si Karla Estrada ay join na rin na umabot na sa punto na nakipagusap na diumano ito sa ama ni Paul na si James Salas.
Away sa larong basketball. Buti hindi nahihiya si Daniel na pati nanay niya nakisawsaw, na pwede namn nila ayusin ng Paul on their own. Mga binata na sila, malalaki na at may mga “balls” naman siguro.
Sa ganang akin, talo ang pikon. Kampihan ba naman ng sanlibo’t sangrekwang mga faney ni Daniel ay talo si Paul sa bashing at walang laban dahil less popular at less sikat itong huli.
I just wonder, sa gabi bago matulog si Daniel, ipinagtitimpla pa rin kaya siya ng gatas ng ina bago matulog? Ha ha ha…
Reyted K
By RK Villacorta