Pilipinas Wowoween Na Win!

AYON SA MGA balita, ayaw na ni WiIlie Revillame na ipagpatuloy pa ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Bagama’t muling inooperan naman si Willie ng show sa Channel 2 at sa Channel 23, ito raw ay tinanggihan niya. Dahilan nga kaya sa pinalitan na ang kanyang show na Wowowee ng Pilipinas Win Na Win? O dahil sa indefinite leave nito? Baka kaya naman eh, naramdaman ng dating host na kinastigo siya?

Ang dating namamayagpag na pangalan ay naging masalimuot na ngayon, dahilan sa kinasangkutan ni Willie sa mga usaping diumano’y pagiging mayabang at arogante. Ang huli ay iyong away sa pagitan nila ni Jobert Sucaldito na isa ring host ng The Buzz. Ang komento ng mga kapatid nating reporters at writers eh, bakit pa pinatulan ito, gayong mas kilalang host si Willie. Ang usaping ito ay nauwi pa sa kundisyong kung hindi raw paaalisin si Jobert ng management ng ABS-CBN ay si Willie na lang ang aalis.

Kamakailan lang, mariing sinabi ni Willie na hindi kailanman siya magsasalita ng laban sa naturang isyu samantalang ang ABS-CBN naman ay tila nais ipatapos pa ang kontrata ni Willie hanggang September 2011. Saan kaya patutungo ang tahasang pagtanggi sa muling pag-alok ng dalawang programa sa ABS-CBN? Dapat sigurong mag-isip mabuti si Willie at ‘wag padala sa nararamdamang emosyon dahil lilipas din ito. Mabuting manatili kaysa mawala sa limelight. Tingin ko, kung magpapakumbaba, hihilom marahil ang sugat ng bawat isa na likha ng kontrobersiya. Humhmmn! Mag-alinlangan din kaya sa kanya ang ibang network dahilan sa mga pangyayari?

INTERVIEW KAY JAY MONTELIBANO

Two months ago, aking nainterbyu si Jay Montelibano, Business Unit Head ng Wowowee noon at ngayon ay ng Pilipinas Win Na Win.

Ang Wowowee ang No. 1 noontime show nowadays. “Ay maraming salamat po! Ha-ha-ha!”

Whatever happens, whether you’re on top of the ratings or medyo mag-move nang kaunti, controversial talaga ang Wowowee. Paano n’yo name-maintain ang ganu’ng status? “Well, the show has really been always for the people. Its strength is narrating. It’s the human drama. It’s telling the stories of the people. The show is giving back to the people ‘yung istorya ng bawat isa sa kanila. It sustains the interest kasi iyon ang pinanonood, iyon ang pinakikinggan.”

Ah, so kung napapanood namin, ng buong mundo, nakapagpapaiyak at nakapagpapatawa, gaano n’yo pa napo-foresee na magra-run ang Wowowee? “Oh?! Ahhh… for a long, long while, for as long as all the hosts are committed to the program, I see I believe its gonna run for a long, long while.”

Nang nakaraan kasi, lumabas din dito sa Pinoy Parazzi na si Willierdaw pinagpapasensiyahan ng Dos? Ano ho ba ang masasabi n’yo roon? “Sa kaso naman na ‘yun, nag-release naman kami ng official statement. Ahhh… lumabas na sa leading newspapers but he is on indefinite leave. Napagkasunduan din ng dalawang parties, ng ABS-CBN at ng party ni Willie. Ah… ‘yan ang kanilang usap-usapan.”

Paano n’yo nalaman na si Willie talaga ang tamang host? Kunsabagay, matagal na talaga siyang artista, nagpapatawa pa. Paano n’yo na-discover na talagang dapat si Willie sa Wowowee? “Katulad din po ng pagsabi n’yo, ‘if you have the eye for it’ madali ninyong makikita kung sisikat ito. Ganu’n ‘yun!”

NASA ‘INFLUENTIAL STATUS’ si Willie dahil sa kasikatan, sa pagsubaybay ng masang Pilipino dito at sa ibang bansa.  Nagsimula siyang simple’t magiliw magsalita, nanunuyo’t nagdadala ng kasiyahan sa katanghaliang tapat. Si Willie ay naging phenomenal kung kaya’t naging authoritarian sa maraming aspeto, kasabay ng pagkita ng milyon-milyon. Naks! Sayang naman, ah!

Sa ganitong estado, dalawa lang ang pupuntahan, manatili sa puwesto o kung hindi maingatan, ‘there’s no way but down’. Sa akin, naisasalba ng sinseridad, puso sa trabaho at kababaang-loob ang malalaking pagsubok sa career ng isang artista. Sa pagtanaw ko sa malayo, nakita ko ring maaaring may mas malalim na dahilan ang isyung ito. Ang masasabi ko, all’s well that ends well.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleBeauty Queen to Drama Queen (Joanne Quinto)
Next articleHuli-Kain: Chicken All You Can!

No posts to display