KAHIT MAY SARILING pananaw si Kris Aquino tungkol sa annulment, mahabang usapin ito para agad mapawalang-bisa ang kasal ng dating mag-asawa. “Hindi naman ako elective official so, wala rin saysay kung anuman ‘yung opinion ko. Honesty, ang pagpapa-annul is really a difficult process and cost a lot of money. Nakakaawa ‘yung those who don’t have enough to pay for good lawyers, ‘yung ganu’n. Most especially ‘pag ‘yung babae ang hindi stable ang trabaho, ang hirap. Hindi ko alam, siguro nababasa ninyo. The fact, we’re still dominant Catholic, ‘yun ang problema. So, kailangang respetuhin din natin, kasi kung gusto natin ng diborsyo dapat hindi tayo naging Katoliko, kami. Ang hirap ilagay kung ano ‘yung sa pananaw mo ang gusto mong mangyari talaga, while still respecting the stand of the Church,” say ni Kris sa launch ng kanyang newest line of kitchen and home products sa SM Mega Mall last Sunday.”
Kahit maraming negative issues ang naglabasan kay Kris, patuloy pa ring pinagkakatiwalaan ng mga advertisers ang Queen of All Media. “Because I’m not a liar, ‘yun lang ‘yun. What you hear and what you see is what you get, totoo talaga,” diretsong sabi ni Kris.
Sa dami ng product endorserment na ginawa ni Kris, knows pa kaya niya kung ilang milyones ang napasakamay niya? “Ayaw ni Noy (President Aquino), pinagsabihan ako, bawal. Sinabi niya na huwag ko na raw dagdagan ang problema niya sa PSG. It’s a matter of record, ilalabas naman ng BIR kung sino ‘yung top tax payers nila. Bilang na bilang ko dahil ang laki ng tax dahil talagang nakahiwalay ‘yung one third diretso. Kasi, 32 percent so, para ano, tinuro ng mga kapatid ko na one third ilagay na sa separate account para hindi ko nararamdaman. Para pagdating ng bayaran na kasi… honest, hindi ako nag-aano roon. ‘Yung last April 15, na-shock ako so, umutang ako sa mga ate ko. Kasi, minsan naka-time deposit ‘yung iba mong pera, hindi mo magalaw so, sayang. Binayaran ko naman sila right away, after three weeks pero inutang ko talaga para walang penalty, dahil sa BIR ma-late ka lang ng dalawang araw, may penalty na. Ngayon natutuwa na ako talaga na naka-set aside,” pahayag nito.
Nang minsan mag-guest si Diether Ocampo sa morning show ni Kris, pinadalhan nito ng Starbucks coffee ang TV host- actress. Saang level na kaya ang kanilang friendship? “Tumawag ang ate ko sa akin after nag-air ‘yung episode. Tapos sinabi ng ate ko, Kris, ‘di ba you said, ayaw mo na ng guwapo? I’m just reminding you. You said, ayaw mo na ng guwapo. So, sinabihan ko siya, sabi ko, D, naiilang ang sisters ko, huwag na natin silang bigyan ng stress, enough stress ang binibigay ng bayan sa pamilya ko so, huwag na. Tapos sinabi ko sa kanya, D, hindi puwedeng maging friends talaga ang guwapo’t maganda na hindi lalagyan ng malisya. Tinawag kong maganda ang sarili ko, take note. Ha! Ha! Ha! Hindi na kami nagkikita na, araw-araw talaga ang trabaho ko,” paliwanag pa ng Queen of All Media Ms. Kris Aquino.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield