Narito ang ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Isa po akong guro dito sa isla ng Caluya na sakop ng Division of Antique. Gusto ko pong ilapit sa inyo ang matagal na naming hinaing na mga guro tungkol sa aming hardship allowance na hanggang ngayon ay patuloy pa rin naming hinihintay kung kailan ire-release. Sa tuwing nagtatanong kami sa kinauukulan, ang lagi nilang sagot ay malapit na o bago magkatapusan o sa first week ng buwan. Masakit po sa part ko na palagi na lang kaming pinaaasa at umaasa. Sana po ay matugunan ninyo ang aming hinaing.
- Reklamo ko lang po ang mga sasakyan na naka-parking sa magkabilang side sa kahabaan ng P. Florentino Street. Sana po ay ma-tow ang mga perhuwisyong sasakyan na ito na isa sa mga nagdudulot ng traffic.
- Ilalapit ko lang po sana sa inyo ang reklamo namin sa Dayap National High School sa Calauan, Laguna dahil naniningil sila ng P70.00 para raw sa candidate nila na pangkalahatan daw sabi ng anak ko.
- Isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang po ang mga pulis dito sa Victonita Avenue, Potrero, Malabon dahil talamak po ang pangongotong dito. Gabi-gabi po ay nanghihingi ang mga pulis sa mga nakaparadang truck dito.
- Reklamo ko lang po ang mga pulis na nanghaharas ng vendor dito sa Padre Faura. Tatlo silang lalaki at babaeng vendor ang hinaharas nila. Mayroon pa silang ikinulong na isang babae na hindi naman dapat dahil hindi naman sila mga kriminal. At bakit kung manakit sila ng vendor ay ganoon na lang?
- Reklamo ko lang po ang isang poultry rito sa Brgy. Malimpin, Dasol, Pangasinan dahil apektado po ng langaw ang mga kamag-anak ko rin dahil sa nasabing poultry. Hindi na po maalis-alis ang mga langaw sa lugar nila.
- Isusumbong ko lang po na sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa may Laloma ay madalas na ginagawang paradahan ng mga truck ang main road kaya ang mga tao ay sa gitna na ng kalsada dumadaan na siyang delikado naman po.
- Ipaaabot ko lang po sa inyo ang aming complain sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City dahil nangongolekta sila ng P90.00 sa bawat estudyante para umano sa school publication. Kapag hindi makabayad ang estudyante ay hindi pipirmahan ang clearance.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo