ILANG BUWAN NA rin nating hindi napapanood sa anumang regular TV show ang guwapo pa ring aktor na si Richard Gomez. Ang last regular show nito ay ang Family Feud pa sa GMA-7, bago palitan ni Dingdong Dantes. Since tatakbo that time si Goma sa pulitika, pinagbawalan ang mga artistang magka-regular TV show.
After some weeks, binawi rin ng Comelec ang said ruling. Huli na para maibalik kay Goma ang show, dahil nai-announce nang si Dingdong na ang papalit.
Natapos na rin ang one season ng show hosted by Dingdong months ago at ngayon nga’y Take Me Out na ni Jay-R ang naka-on air sa same time slot, pero wala pa ring bagong show sa Siyete si Richard.
Na-disqualify ang aktor sa kanyang pagtakbo sa Congress for Ormoc, at mabilisang humalili sa kanya ang asawang si Lucy Torres-Gomez, na pinalad namang manalo.
Hanggang sa umugong ang chismax na from GMA-7, lilipat na sa TV5 si Goma. Kesyo one year na nga naman kasi magmula nang mag-expire ang kontrata ng aktor sa Siyete, eh wala pa rin itong new show, or renewal ng contract.
A few weeks ago, sa Paparazzi, kunsaan na-interview ni Ruffa Gutierrez si Goma, tinanong nito ang aktor kung magiging “Kapatid” na nga ba siya, mula sa pagiging “Kapuso”?
Ang sagot ni Richard ay, “Hindi ko pa alam, eh. Tingnan natin,” or words to that effect.
Last Sunday sa PO5, ang Sunday variety show ng Singko, ginulat ni Goma ang lahat nang sumayaw ito kasama ang asawang si Lucy, to the excitement ng kanilang loyal fans up to now. Katuwang mag-swing ang mag-asawa, huh!
Kaya lalong lumakas ang bulung-bulungan na lilipat na nga si Goma sa TV5, dahil tutal eh, nandu’n na rin naman si Lucy, pati na ang bestfriend niyang si John Estrada.
Nang ma-corner namin si Richard sa Bench fashion show sa SM Mall of Asia last Sunday, inamin nitong may meeting na naganap between his manager, Wyngard Tracy, at isang executive ng TV5. When we asked kung sino ang executive na ito, hindi raw alam ni Richard.
“Hindi ko alam kung sino ang mga kinausap ni Wyngard eh, but there was a meeting,” sabi ni Goma, confirming the reports na may offer nga ang network ni Manny Pangilinan sa kanya.
Kahapon ay tinext namin ni Wyngard to confirm the report, at ang sagot nito, hindi pa raw siya puwedeng magsalita ng detalye dahil under negotiations pa ang lahat.
Hahayaan na nga kaya ng GMA-7 ang isang Richard Gomez na mapunta sa TV5?
ANG BAGONG-LIPAT SA Singko ay si Ariel Rivera, na originally ay galing din sa ABS-CBN, bago lumipat sa GMA.
Isa si Ariel sa mga reliable singers we have in this country, pagpapatunay lang sa kanyang maraming hit songs na forever nang nakatala sa history ng Original Pinoy Music o OPM.
Kaso, ang balitang new show ni Ariel with TV5 ay isang sitcom with Eugene Domingo (na isang freelance artist). Nakahihinayang lang ang husay ni Ariel sa pag-awit, bakit kaya hindi pa gawing regular host ng PO5?
“Sitcom muna, pag-guest-guest lang muna siguro sa PO5,” sabi ng isang taga-TV5 na kausap namin.
Noong nasa GMA-7 kasi si Ariel, parang hindi rin naman na-maximize ng network ang pagiging singer nito, kahit sa SOP na ilang taon ding namayagpag, bago pinalitan ng Party Pilipinas.
Well, malamang na bago rin kay Ariel ang sitcom kaya tinanggap niya. At Eugene Domingo naman ang kasama, so why not? Maganda lang sana ang materyal at bagay sa mga personalidad nina Ariel at Uge.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro