ANY WHICH WAY we look at it ay nagamit si Nora Aunor sa kanyang pagtuntong sa GMA-7.
Hindi kami naniniwalang hindi siya nagamit dahil obvious na obvious naman ito nang pagsuotin nila ito ng jacket ng Tween Academy under the guise of souvenir at pinahawak pa ng fansign.
Ang katuwiran ng PR ng GMA na si Angel Javier, walang intention ang GMA-7 na gamitin ang Superstar para sa promo ng bago nilang pelikula but this is not what it appeared to be.
Bakit may fansign pa kayong ipinagawa sa kanya na nagsasaad pa ng playdate ng movie na prodyus ninyo? It doesn’t make sense, ‘di ba?
Imagine, isang Superstar, pinahawak n’yo ng fansign para sa isang movie na malapit na ang showing, tapos here you are claiming that you’re not using her. You can tell it to the marines!
Come to think of it, bisita nila si Ate Guy na isang Superstar pero hindi VIP treatment ang ibinigay nila rito. VIP treatment bang matatawag na pagsuotin ka ng jacket at pahawakan ka ng fansign ng movie na iprinodyus nila? Is that how they treat a VIP visitor? Gawin bang fan ang Superstar?
Ang sabi, hindi raw aware ang mga executives ng GMA Films na darating si Nora kaya hindi nila ito napaghandaan. Sana raw ay nabilhan man lang nila ito ng bouquet of flowers. Naniniwala kaming naka-schedule ang pagdating ni Ate Guy sa Siyete kaya hindi namin ma-take na clueless ang execs na darating ito.
We can understand TV5 executives’ collective sentiments about the issue. Sila nga naman ang namuhunan para bumalik si Nora pero mukhang may nakikisawsaw.
Mabuti pa ang ABS-CBN people, they know what their limits are.
IS IT TRUE that Star Cinema is negotiating now with Thai superstar Mario Maurer para gumawa ng pelikula sa bansa?
Ang tsika, kapag natuloy ang movie project, pinagpipilian sina Sarah Geronimo, Anne Curtis at Erich Gonzales para maging leading lady ng binata.
Si Erich pa lang ang nag-react sa balitang ito sa presscon niya ng kanyang teleserye. Siyempre, excited siya kung matutuloy ang project niya with Mario.
Sumikat nang husto si Mario sa A Crazy Little Thing Called Love at Love of Siam.
NAKAKATUWA ITONG SI DJ Mo. Pikon na pikon daw kasi ito nang pag-usapan ang kanyang failed romance kay Rhian Ramos habang wala siya sa kanyang show sa TV5.
Totoo bang sa pagkaimbiyerna niya ay pinagalitan niya at sinigawan ang executive producer ng kanyang talk show? Nagsumbong naman daw ang EP sa management at nakiisa ang mga co-hosts ni Mo na deadmahin siya sa show.
Kapag binibisto ni Mo ang kapwa niya artista ay wala siyang preno, pero kapag ang buhay naman niya ang pinag-uusapan ay bigla siyang nagiging sensitive. What gives?
Naku, Mo, have you ever been told about the Golden Rule? Maybe it’s about time that you apply that to yourself!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas