MAINIT na pinaguusapan ang bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na “Never Not Love You”.
Noong una, ang akala ko ay one of those pampakilig romcom na naman ang mapapanood ko pero nagkamali pala ako. Level up love story ika nga ang pelikula ni Direk Antoinette Jadaone na naglagay sa mas mataas na estado kina James at Nadine sa ka-liga nila sa klase ng kuwento ng pag-ibig nina Gio at Joanne.
Napanood ko ang pelikula ng dalawa after ng Semana Santa. Nagustuhan ko. Walang ka-effort-effort na sumakay ako sa pagmamahalan nina Gio at Joanne na parehong nagmahal at nangarap.
Simple lang ang kuwento. Nagmahal. Nakipagsapalaran at nagbuo ng pangarap ang dalawang kaluluwa na gusto mabuo ang isang mas matibay na pagmamahal sa isa’t isa.
Sa katunayan, hindi nga masyado ipinilit na magpakilig ang dalawa sa pelikula. Hindi man sinahugan ng super duper kilig at labing-labing ng todo-todo, ikaw na nanonood ay mararamdaman mo ang kasimplehan at makakatohanan na mga eksena nina Gio at Joanne. Parang wala lang. Parang normal na gawi ng isang magkasintahan.
Magaling ang dalawa sa pagganap nila sa karakter na ginagampanan nila.
Tama ang mga sabi ng mga mas naunang nakapanood bago ko panoorin ang pelikula na mas umangat ang JADINE sa iba nila mga kasabayan. Hindi na sila pa-tweetums sa pelikulang ito.
Gusto ko man ikumpara sila sa ibang mga loveteams, iba sila kung hindi man mas nakakaangat kaysa sa mga kaliga nila.
Loved the film na habang pinapanood ko ang obra ni Direk Antoinette, sumabay ako nagmahal, nangarap, lumaban para sa pag-ibig dahil sa naniniwala ako na hangga’t may pag-ibig ay patuloy ako magmamahal para sa mga taong mahal ko.
Congrats to James and Nadine, kay Direk Antoinette at sa Viva Films.
Reyted K
By RK Villacorta