KALURKEY itong si Pilita Corrales. Napagiwanan na ng panahon. Hindi ko gusto ang hanash niya sa apo na si Janine Gutierrez.
Pinaglitan ba naman nya ang apo na si Janine sa binitawang reaksyon nito sa balitang pagbabalik sa telebisyon ni Bong Revilla sa GMA Kapuso Network na nakulong dahil sa pandaramBONG.
Lola ka lang. Ang mayroong direct responsibility at karapatan na magsabi kung ano ang tama sa mali ay ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon na sa nangyaring reaksyon ng dalaga, hinayaan niya ang anak sa malaya nitong opinyon at pag-iisip.
Ang matanda nga naman na talaga nakakawalang respeto. Makaluma ang pananaw na ang mga kabataan (mga millennials) ay may sariling pag-iisip, diskarte at pananaw na ibang-iba sa mga nakatatanda na dahil dito’y nagkakaroon ng di pagkakaunawaan.
Sa akin, okey lang na may sariling opinion ang mga kabataan sa kahit na anong isyu. Mapa-politika o relihiyon o maging sa isyu ng kanyang pamilya.
Sa kaso ng matanda na si Pilita, hindi na siya sumabay sa panahon. Hindi na niya keri ang maka-bagong panahon na ang kalayaan sa pagbibigay opinion at sariling pagiisip at paninindigan ay hindi na swak sa pamantayan niya ng kahit na kung sino ay tanggap ng nakararami for as long na pinaniniwalaan mo at pinaninindigan.
Sa kuda ni Aling Pilita, tuloy hot topic ang lola ninyo sa mga chat rooms.
Maging ang hiwalayan nina Lotlot at ang anak niya na si Ramon Christopher ay naungkat at napagusapan.
Tanong ng isang chatter: “Sa pagiging pakialamera niya, hindi kaya isa siya sa naging dahilan ng maagang hiwalayan nina Lotlot at Monching?
Kung ako sa lola n’yo na hindi na nakakasabay sa panahon ay better behave na lang or sa diretsahan salita, “Shut-Up!” Liyad pa more na lang siya.
Word of advice kay Aling Pilita ay lumiyad nalang habang kumakanta with gusto. Wag mo na diktahan ang malayang pag-iisip ng apo mo. Kung ikaw ay kuntento na sa nangyayari sa bansa natin, ako, kami, ang apo mo ay hindi. May sariling kaming pagiisip. Liyad pa more Aling Pilita.