WHOA! IBA naman ngayon ang pinagpistahan ng mga mga kapatid sa trabaho sa tri-media. Pati ang social media, dami nang komento. May seryoso, nakakatawa, naiinis at nagagalit. Meron din namang deadma lang at nagkokomento tungkol sa pulitika kaysa sa isyu. Natalo ang isyu kay Manong Bulalo na ginawang katatawanan ng netizens sa Facebook.
Well, kung ano man ang kinalalagyan ng nasabing imbestigasyon, hayaan na natin ang awtoridad ang mag-ungkat kung ano ang mga posibleng tamang ebidensya para rito.
Ani Vhong Navarro habang nakaratay ito sa hospital, inimbitahan siya sa condominium unit sa The Fort ng isang kaibigang babae. Sa ‘di pa malamang kadahilanan, siya ay piniringan, pinagtulungang bugbugin, ginapos, tinakot, at hinihingan ng pera ng isang grupo ng kalalakihan noong Miyerkules, January 22, 2014.
Dahilan umano sa isang imbitasyon ni Deniece Cornejo sa kanyang condo, hihintayin siya at doon kakain dahil ipagluluto ito na ng ‘di kalaunan ay tila nagbago ang usapan at nagsabing magdadala na lamang ito ng pasalubong.
Laking gulat pa diumano ng babae na tila bakit andu’n kaagad si Vhong, samantalang hindi pa ito nakapaglilinis sa kanyang lugar sa condo.
Binintangan siya ng diumano’y tinangka siyang gahasain ni Vhong. Subalit sa mga huling imbestigasyon ng NBI ay dati nang nasa labas itong si Deniece bago pa dumating itong si Vhong at makikita ito sa CCTV.
Tila sobra lamang ng dalawang minuto. Dagdag pa diumao nito ay papa’no ito mare-rape at makahuhubad ng kanyang short sa ganoong kadaling panahon. Kaya imposible raw na maganap ang rape.
Sa pagtatanggol naman ng Deniece, “Isa lang po masasabi ko. If you want justice, I’ll give you the real justice. Mataas, napakataas ng paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan. Kung meron mang inosente at biktima rito, wala nang iba kung hindi ako.”
“Vhong, hindi ko kailangang umiyak, ipakita na awang-awa ako sa sarili ko. Sa lahat ng mga naniniwala at sumusuporta sa tao, lalo na sa ‘yo ay wala akong kalaban-laban dahil alam kong marami kang napasayang tao, magaling kang artista, idolo kita. Pero sa mata ng prinsipyo, ang mali ay mananatiling mali at hinding hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan.”
“Uulitin ko. As much as possible, gusto kong maging pribado ang buhay ko at ayokong lumaki nang ganito. Hindi ko ito pinili, pinili niya ito. Pero kung ang pangalan ko ang nakasalalay rito at reputasyon ko, ibang usapan na ‘yun.”
“I’ve consulted my lawyer. Pero for now, medyo nato-trauma ako sa mga ganyang ugali at saka pangyayari.”
Nang makapasok na umano ang aktor, nagulat daw ang babae nang biglang hawakan ni Vhong ang kanyang kamay at hinila ang kanyang buhok at pilit na pinaupo.
Ngunit nanlaban daw ang babae at tumakbo sa kuwarto nang maramdaman ang motibo ng aktor. Gayunman, nagtungo din si Vhong sa kuwarto at pinilit siyang inihiga sa kama at tinangkang ibaba ang kanyang shorts.
Ayon pa sa ulat, nagmakaawa umano ang babae na itigil ni Vhong ang pag-atake pero ‘di raw ito tumigil at pumaibabaw raw sa dalaga. Sa sitwasyong nabanggit, dumating umano sa condo unit ang dalawang kaibigan ng babae at sumaklolo sa biktima at isinagawa ang citizen’s arrest.
Kung sino man sa dalawa ang nagsasabi ng totoo ay lalabas din ang katotohanan.
Samantala, nalaman na nitong February 6, ay aalis diumano si Cedric Lee ng bansa kaya naulat na pinababantayan na ng mga awtoridad. Siya ang prime suspect sa naganap na pambubogbog na kasama ng ilang kalalakihan na nagresponde sa pangyayari.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Para sa ano mang komento, mag-e-mail: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia