PARANG DELAYING tactics nga itong ginagawa ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo para mabagal ang pag-usad ng kaso, ha!
Dapat ay sisipot sina Cedric at Deniece sa preliminary investigation sa Department of Justice nu’ng nakaraang Biyernes pero hindi sila natuloy du’n.
Sa halip, sa Taguig Regional Trial Court pumunta si Deniece kasama ang abugado niyang si Atty. Howard Calleja para mag-request ng Temporary Protection Order laban kay Vhong Navarro kasabay ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women ang Children na isinampa nila laban kay Vhong.
Pero ibinasura rin ito ng korte dahil wala raw basehan itong ikinaso kay Vhong.
Sabi ng abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, obvious na dini-delay lang daw ito ng kampo nina Deniece para tumagal lang ang kaso.
Kaya itinuloy pa rin yata ang preliminary investigation sa DOJ nu’ng Biyernes pero hindi na nakarating doon sina Deniece at mga kasamahan nito. Ang isang abugado lang nila ang humarap doon.
Kaya nakikiusap ang abugado ni Vhong na huwag tantanan ang kasong ito hangga’t hindi umaakyat sa korte.
Hay, naku! Ang tanong dito, hanggang kailan ito at kailan naman maging normal ang takbo ng buhay ni Vhong?
Kailan na siya makababalik sa trabaho para naman may pantustos siya sa mga gastusin sa kasong ito, ‘di ba?
Dapat bumalik na siya sa trabaho para makalimutan na niya itong traumang pinagdaanan niya.
Sabi naman ng abugado ni Vhong, physically okay na raw ang aktor pero kailangan pa rin niya ng psychological treatment para kaya na niyang i-handle itong sobrang takot at trauma na pinagdaanan niya.
Hay, naku! Matagal pa ang tatakbuhin nito. Dapat huwag itong pabayaan sa korte.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis