HINDI ko alam na buhay na muli kahit papaano ang local film industry ng Cebu. Naalala ko kasi noon na sikat ang Visayan Films na pinagbibidahan nina Tita Gloria Sevilla at mga kasamahan niya noong dekada 70’s. Sa katunayan, may sariling market ang Visayan films sa iba’t ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Dahil kay Chai Fonacier na isa sa mga Cebuano actresses natin sa kasalukuyan na napenetrate ang mainstream Manila showbiz ay tila mabibigyan na niya ng katupuran na maibalik ang heydays ng film industry sa kanyang mahal na bayan.
With the break na natatamo niya sa ngayon with the box-office success ng mga pelikula niya tulad ng Patay na si Hesus, Respeto at itong latest na Pinay Beauty (She’s No White) na kabilang sa walong official entry para sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na isang all-Pinoy film festival ng FDCP na mapapanood sa August 15 to 21, Chai plays Annie na girlfriend naman ni Migs played by Edgar Allan Guzman na pangarap na pumuti (tulad ng ibang mga brown skinned Pinays) para maging Snow White sa Hongkong Disneyland.
“Right now, freelancer ako. Pag may shooting, go ako. If not, with my computer balik normal life ako sa work ko,” kuwento niya. Madami daw mga Visayan actors and actresses na mga part timers sa pag-arte. Chai who recently won as Best Supporting Actress in the recent EDDYS Award for the film Respeto ay pagtitiyagaan niya na maabot ang pangarap na magkaroon siya ng espasyo sa mainstream showbiz sa Manila.
Sa katunayan, isa siya as one of the major character sa bagong teleserye ng Kapamilya Network with Jericho Rosales at Sam Milby na naudlot lang ang taping kaya as of presstime ay wala pa broadcast date.
Reyted K
By RK Villacorta