NAPANSIN namin na mukhang bentang-benta sa Netflix ang Pinoy animated projects ngayong Oktubre. Una, palabas na ang seryeng ‘Barangay 143‘ na unang napanood sa GMA-7. Featured rito sina Julie Anne San Jose, Migo Adecer, Ruru Madrid, Kelley Day, Cherie Gil at Edu Manzano.
Ipinalabas din ang 2016 Metro Manila Film Festival movie nina Rhian Ramos at TJ Trinidad na ‘Saving Sally‘. This time, isang bagong animated film ang mapapanood simula bukas, October 29 sa Netflix. Ang title? ‘Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story’. Hayop naman talaga, ‘diba?
Literal na mga hayop ang bida sa pelikulang ito na ang voice actors ay ang mga sikat na artista tulad nina Angelica Panganiban (bilang ang bidang maharot na si Nimfa Dimaano), Robin Padilla, Sam Milby, Arci Munoz, Piolo Pascual, Empoy Marquez, Eugene Domingo, Moira dela Torre, Yeng Constantino at Bb. Joyce Bernal.
Ang ‘adult animated film’ na ito ay isang isang love triangle with a twist mula sa ‘Saving Sally’ director na si Avid Liongoren. Tatlong taon lang naman ang inilaan nila para umpisahan at tapusin ang protektong ito. A for Effort!
Narito ang laugh trip na trailer ng pelikula. Be ready! Meow!
Mapapanood na ang Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story sa Netflix simula bukas, October 29. Suportahan ninyo ang pelikulang ito para naman mabigyan din ng mas marami pang proyekto ang ating Pinoy animators! Mabuhay kayo!