Pinoy BL series malakas ang hatak sa Pinoy audience

Leo Bukas

ISA-ISANG nagsulputan sa online world ang mga Pinoy Boys Love (BL) series pagkatapos pumatok sa audience during quarantine ang Thai BL series na 2Gether. Bida sa 2Gether na ipinapalabas din sa Kapamilya Channel ang sikat na Thai actors na sina Metawin Opas-iamkajorn (Win) and Vachirawit Chiva-aree (Bright).

Kaagad ding dumami ang mga Pinoy audience na nagpapakita ng kanilang suporta sa BL series sa bansa. Kanya-kanya sila ng paborito at inaabangan.

Ilang BL series na ba ang mayroon tayo ngayon sa internet? Isa-isahin natin sila.

Tony Labrusca and JC Alcantara of Hello Stranger

1) Hello Stranger —  Ang series na ito ay pinagbibidahan nina Tonly Labrusca (as Xavier) at JC Alcantara (as Mico). Ito ang kauna-unahang digital series ng Black Sheep. Ang direktor ng Hello Stranger ay si Petersen Vargas.

Sakristan

2) Sakristan – Kontrobersyal ang series na ito na ipinapalabas sa Vincentiments Youtube channel dahil ito ang kauna-unahang BL series sa isang Christian country na gaya ng Pilipinas na malalim ang pagpapahalaga sa relihiyon. Bida sa Sakristan ang thri-athlete na si Clifford Pusing at si Henry Villanueva. The series is written and directed by Darryl Yap.

Game Boys

3) Gameboys – Big hit ang series na ito na prinodyus ng IdeaFirst Company dahil naka 1.5M views na ito sa Youtube para sa kanilang apat na episodes. Bida sa Gameboys sina Kokoy de Santos and Elijah Canlas at si Ivan Payawal naman ang director.

4) Oh, Mando – Pasok pa rin sa Oh Mando ang aktor na si Kokoy De Santos. Bale, pangalawang BL series na niya ito, pero this stime ay si Alex Diaz na recently ay umamin about his true gender – being a gay – ang kapartner niya dito. Ang Oh, Mando ang kauna-unahang BL series ng iWant Original. Si Eduardo Roy Jr. ang director nito.

In Between (Sa Pagitan ng Kumusta at Paalam)

5) In Between (Sa Pagitan ng Kumusta at Paalam) – Ang BL series na ito ay prinodyus ng Uncle Scott Global Productions, Unframed Film Production at Fringe Multimedia Production. Bida ng In Between ang dalawang celebrity athletes na sina Migs Villasis at Genesis Redido. Ang series daw ay hindi sesentro sa kilig kundi sa magkahalong tamis at pait ng isang relasyon. Director ng In Between si Brilliant Juan.

6) #MyDaySeries – Produced by Oxin Films, ang series na ito pinagbibidahan nina Miko Gallardo (finalist ng Bidaman) at Iñaki Torres. Si Xion Lim naman ang director ng #MyDaySeries.

Tatlong BL series naman ang ikinakasa ngayon ng Asterisk Digital Entertainment. Ito ay ang mga sumusunod:

7) My Extra Ordinary – Pagbibidahan ito nina Darwin Yu at Enzo Santiago na may 8 episodes.

8) A Kiss To Remember – Bida naman dito ang theater actor na si Z Mejia at ang 20-year old Cebuano na si Christian Estrada. Magkakaroon ng 12 episodes ang A Kiss To Remember.

9) Boys Next Door – Sa series na ito ay magsasanib-puwersa ang mga bida ng My Extra Ordinary at A Kiss To Remember.

Imagine, in almost two months ay meron ng siyam na BL series sa Pinas. At posibleng mas dumami pa ito lalo pa nga’t nahu-hook na ang mga Pinoy sa ganitong klase ng palabas.

Previous articleJessa Zaragoza nagbebenta ng Beautederm products habang naka-quarantine
Next articleVLOG WATCH: Ella Cruz dance cover of BLACKPINK’s ‘How You Like That’

No posts to display