BAGO ANG LAHAT, congratulations muna kay Vice Ganda, sa ganda ng kanyang concert noong Friday sa Araneta Coliseum. Bonggadera ang naturang concert. Sa simula pa lang ay nakakamangha, kasi nakalambitin si Vice Ganda sa ere. Para siyang mala-diyosa ng mga bakla. Wala kaming masabi sa pangalawang concert niya na ginawa sa Big Dome, kahit may kamahalan ng ticket ay dinagsa ito ng mga mamamayang Filipino na nais makalimot sandali ng kanilang mga problema sa buhay. Kasi kapag sinabi mong Vice Ganda, siguradong patatawanin ka niya sa kanyang mga kaokrayan.
Grabe, punung-puno ang Araneta, lalo sa General Admission. Pati nga sa pinakababa kahit kalagitnaan na ang concert ay nagdaratingan pa ang manonood. Ang tema nga ng kanyang concert ay mga pagbabago sa lipunan at ang mga pagbabago sa buhay niya.
Maraming nanood, nasa lower box sina Kris Aquino at Zsa Zsa Padilla, with their friends. Si Jon Avila, Ryan Bang, Gladys Reyes, Tintin Bersola Babao, at pati ang ex-PBA player na si Vergel Menes with his special someone ay naroon din. Maraming mga artistang nagsipanood, kung babanggitin pa namin sa column na ito eh, baka sila na lang ang laman nito.
Nag-perform sina Toni Gonzaga, Billy Crawford, Cristine Reyes, surprise kuno sila Derek Ramsay, at Coco Martin. Marunong palang kumanta si Coco habang si Derek naman ay dancing-dancing. Siyempre pa sumayaw si Enchong Dee, wala kaming masabi kasi tuwang-tuwa ang ale na kinuha niya mula sa audience na inokray-okray naman ni Vice.
Anyway, congratulations kay Vice Ganda!
KUNG ANG CONCERT ni Vice Ganda ay dinumog sa Araneta Coliseum, gayundin naman ang ginawang out of the country ng PBA kung saan naglaro ang Talk N Text, Brgy. Ginebra at B-Meg Llamados sa Al Shabab Sports Club, Dubai. Kitang kita na sabik na sabik ang ating mga kababayan doon na manood ng PBA games lalo na’t mga superstar teams ang nagsipagdayo sa naturang bansa. ‘Di magkandaugaga ang mga kababayan natin na saksihan ang dalawang laro.
Malungkot ang pag-uwi ng Tropang Texter ni Coach Chot Reyes sapagkat sa dalawang games nila ay pawang nakalasap sila ng talo. Una sa B-Meg Llamados ni Coach George Gallent sa iskor na 105-111, then sumunod sa laro kontra Brgy. Ginebra, 123 -113. Nakapaglaro na that time ang may mga injury na players ng TNT like Jimmy Alapag and Ryan Reyes, na hindi pa rin nakatulong sa koponan. Anyway bawi sa ‘Pinas.
Bago nagsipag-uwi ang delegation, nagkaroon diumano ng problema ang Tropang Texter. Kesyo may babayaran pa silang bill sa tinuluyang hotel at hindi rin ibinigay sa kanila ang kani-kanilang passport. But after the problem, oks na ang lahat. Walang makakapigil na umuwi ang buong delegation ng PBA sa ‘Pinas, ‘noh?!
SAYANG HABANG GINAGAWA namin ito ay by 2:30 pm ang simula ng laro ng Azkal team laban sa Sri Lanka na ginawa sa Rizal Stadium. Super-duper lakas ang laro ng soccer ngayon. Dati-rati, walang pumapansin sa larong ito. Nang dumating ang Azkal team ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tila nagising ang mga patay malisyang mga mahihilig lang manood ng basketball.
Laking tawag pansin ay ang magkapatid na sina James at Phil Younghusband. Lalo na itong si Phil Younghusband na super in love sa actress na si Angel Locsin. Balita nga namin, binigyan ng ticket si Ms. Locsin ni Phil para imbitahang manood ng game nila. Dumating kaya ang actress, abangan.
How true na sold-out nga ang tickets at pahirapan bumili. Naku, sureball na naman ang mga scalpers d’yan sa tabi-tabi.
Malou Aquino
Pinoy Parazzi