Pinoy horror film ‘Clarita’, now on its third week!

Romnick Sarmenta, Direk Derick Cabrido and Ricky Davao

INTRIGUING ang horror film “Clarita” ni Jodi Sta. Maria, Ricky Davao, Aaron Villafor and Romnick Sarmenta under the direction of award-winning Filipino documentary producer and film maker Derick Cabrido under Star Cinema & Cleverminds Inc. ( Shiela Vidanes, Rosalio Relatores & Omar Sortijas) Co-producer  Black Sheep and purple Pig. Outstanding ang performance ng mga artistang nagsiganap lalo na si Jodi. Worth watching, maganda ang execution ng pelikula, ramdam mo ang bawat character na kanilang pino-portray.
 
“Napakahirap ng role ni Jodi, first time siyang gumawa ng horror film. Siya talaga ang gusto namin for the title role as Clarita.
 
Nang I-offer namin ito sa kanya, hindi siya nagdalawang isip, gusto niyang gawin kaya hindi kami nahirapan I-convince pa siya,” pasimula sabi ni Direk Cabrido.
 
Ayon kay Direk Cabrido, nang i-offer nila sa Star Cinema, synopsis pa lang ng “Clarita” ang binigay nila, approved na agad.
 
“More than one year ang preparation bago namin  ito nai-shoot. Six months in the making pero worth it naman,. Happy ako at Star Cinema sa kinalabasan.”
 
As a director, cool lang si Direk Cabrido sa set. Hindi siya sumisigaw or nagtataray sa set kahit walang acting ang isang artista . Katwiran niya, “Kapag wala talaga, ilalayo ko na lang ang  kamera.” Perfectionist si Direk Cabrido, kahit isang camera lang ang gamit niya sa set alam niya kung saan ipo-position ang camera at kung anong scene ang gagamitin nito for the film.
 
Hindi siya mahirap katrabaho kaya masaya sila sa set kahit 2AM ang pack-up. Biruan, tawanan ang buong cast. “Si Jodi masayahin yan at malambing masarap katrabaho. Kahit pagod na hindi mo mariringgan ng reklamo. Napaka-professional, lahat naman sila,” sambit pa ng award-winning director.
 
 
Walang particular genre si Direk Cabrido pagdating sa klase ng pelikulang gagawin niya. Gusto niyang maging versatile director. Lahat puwede niyang gawin, mapa- comedy, love story, drama, suspense-thriller, fantasy or action-drama. Katunayan nga, romantic-comedy ang susunod nitong project sa Star Cinema after ng big success ng “Clarita.”  
 
 
Kahit baguhang director, impressive ang body of work ni Direk Cabrido, he was awarded with Bronze World Medal at the 2009 New York Television Festival, for the documentary “Pinay for Export,” Silver Screen Award at the 2010 New York International Independent Film and Video Festival for the documentary “Tasaday.” Direk Cabrido also won the 2012 Silver World Medal Awards at the New York Festival  for his documentary “Yaman sa Basura” which is also a finalist for the 2011 UNICEF Asia-Pacific Child Rights Awards.
 
 
Romnick Sarmenta

Kinilala ang kanyang mga obra “Cuchera” (2011) and “Nuwebe” (2013). In 2014  he directed his debut feature film  “Children’s Show”. It won best Editing, Best Sound Design, Canon  Best Cinematography. He is also the producer and  cinematographer of the film “Antipo” which premiered  at the 2010 Cannes Film Festival. Cuchera” a finalist at the 2011 – 7th Cinemalaya Independent Film Festival which premiered at the 2011 Toronto  International Film festival. He is also one of the Executive Producers of the “Front Row”, a documentary program which airs every Monday at GMA Network. Engkantong Laog sa Mahabang Dapithapon (short film) official selection at the 2013 Cannes Film Festival Short Film Corner.
 
 
 
Nakausap din namin si Romnick Sarmenta after watching “Clarita.” Saludo siya sa galing nina Jodi Sta. Maria at Ricky Davao
 
Inaral maigi ng actor ang character na gagampanan niya. “Nag-research pa ako, year 1953 ang setting kailangan alam mo ang galaw at pananalita ng mga tao noong panahon ‘yun. Ang gagaling yata ng mga artistang kasama ko pati ang director magaling mag-motivate. . Sasabihin niya sa’yo kung ano gusto niya gawin mo sa eksenang kukunan. Napaka-gaan katrabaho ng buong cast at production staff pati ang director palaging naka-smile everytime na kukunan niya kami,” pahayag ng magaling na actor.
 
 
Sa mga eksenang sinasaniban ng devil spirit si Clarita, nararamdaman ni Romnick na para bang pino-possess by the devil si Jodi. After the take, nagtatawanan na lang sila para mawala ‘yung takot na nararamdaman nila sa loob ng selda. Inamin ni Jodi na sobra siyang nahirapan sa character ni Clarita. For her, challenging kasi ‘yung role at first time siyang gaganap sa ganitong klaseng ng character. “Mahirap pero fulfilling after watching the film,” masayang sabi ng award-winning actress Jodi Sta. Maria.
 
 
 
 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleAndrea Torres, magpapainit gabi-gabi sa ‘The Better Woman’ ng GMA-7
Next articleMga Former La Salle Greenhills’ Kundirana, may Fund Raising Concert sa July 6

No posts to display