SUE PRADO is one of the very few actresses sa Pilipinas na laging present sa mga local film festivals. Bihira yata ang pagkakataon na hindi siya kasama sa isang or dalawang entry sa walong taon niya sa industriya.
We met this lovely lady noon sa premiere ng pelikulang “Ganap na Babae”, kung saan ko siya unang nakapanayam. Very approachable ito at napakaganda ng kanyang performance sa movie kahit pa most of the time ay walang dialogue ito.
This week ay muli na naman natin masisilayan ang ganda at galing ni Sue Prado sa pelikulang Sinandomeng, na kalahok sa 2nd ToFarm Film Festival.
Sa aming online chat ay kinamusta ko ang isa sa female icons ng Pinoy indie movie scene.
Tungkol saan ang ‘Sinandomeng’?
“Ang Sinandomeng ang sumasalamin sa isang uri ng pamilyang Pilipino, particularly iyong nasa kabukiran; kung paano nito nalalagpasan ang mga hamon ng buhay nang magkaagapay, at sa tulong na rin ng kanilang pananampalataya sa lupa.”
Ano ang mga challenges na na-encounter niyo while shooting the movie?
“Naging malaking hamon ang pabagu-bagong panahon sa Majayjay, kung saan kinunan ang karamihan ng mga eksena. Dagdag pa, medyo pisikal ang ibang eksena gawa ng kailangang gawin ang mga tunay na gawain sa bukid (tulad ng pag-aararo gamit ang kalabaw). Pero handa naman ako; lumaki ako sa bukid.”
Sa unang ToFarm Film Festival na ginanap last year ay bida rin si Sue sa pelikulang ‘Pitong Kabang Palay’, kung saan nanalo sila ng Best Acting Ensemble award.
Bakit ba malapit sa puso mo ang ToFarm Film Festival?
“Dahil kaisa ako sa pagpapahayag sa hirap at halaga ng agricultural workers ng ating bayan. Sa pamamagitan ng festival na ito, nabibigyang daan ang adhikain na ito, at sa pamamaraan ng cinema.”
Byron Bryant’s Sinandomeng is one of the finalists of the 2nd ToFarm Film Festival na gaganapin mula July 12-18, 2017 sa SM Megamall, Gateway Cineplex, Glorietta 1, SM Manila, Robinson’s Galleria at SM Metro East.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club