EARLY THIS YEAR pa lang ay marami na ang curious sa teaser trailer na inupload online ng masasabi nating ‘kumpletos rekados’ na pelikulang “Ang Larawan”.
Kung pagbabasehan ang mas mahabang trailer, ito ay isang musical na set sa makalumang backdrop na may anggulong drama, comedy at s’yempre, romance. Hindi na rin ako magtataka kung may action/thriller angle ito dahil sa sinaunang panahon ang mood ng movie.
Mula sa direksyon ni Loy Arcenas, “Ang Larawan” is the ‘fresh, historical film’ the new generation needs to see. Sa pamamagitan ng pelikula, maaappreciate ng mga bagets lalo na ng mga millennials ang kundiman at classic Filipino songs. Dito rin maipapamalas ng mga versatile performers ng bansa like Rachel Alejandro, Joanna Nakpil, Celeste Legaspi, Zsa Zsa Padilla, Robert Arevalo, Jaime Fabregas, Menchu Lauchengco-Yulo, Nonie Buencamino, Ogie Alcasid at marami pang iba.
Sa mga mas nakababatang cast ay featured sina Rayver Cruz, Aicelle Santos, Cris Villonco, Sandrino Martin at ang Kapamilya leading man na si Paulo Avelino. Sa totoo lang, naaaliw ako sa choices of projects ni Paulo, huh! If I am not mistaken, hindi siya ang original choice for the role, but he took time in order to study his character and do the film with flying colors.
Trailer pa lang ay petmalu na ang pagsasama ng mga lodi natin sa OPM scene sa isang ambisyosong proyekto. Kaya ganun na lang ang disappointment ko nang hindi nakapasok sa first four entries ng MMFF 2017 ang pelikula. Last month ay una nang nagpakitang-gilas ang pelikula sa Tokyo, Japan bilang parte ng Tokyo International Film Festival at umani ito ng papuri sa mga manonood. Dumiretso naman ang obra sa Amerika para sa Cinematographo Film Festival last week.
Bukas ay papangalanan na ang apat na masuwerteng pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival 2017 this year. In fairness, magaganda ang mga nagbabakasakaling pumasok, huh! Magandang indication ito sa pag-asenso ng Philippine Cinema.
“Ang Larawan” featured the original music of Ryan Cayabyab played by the ABS-CBN Philharmonic Orchestra mula sa dula ni Nick Joaquin at panulat ni Ronaldo Tinio.
Ang tanong: Makakapasok kaya ang bonggang masterpiece na “Ang Larawan”? Dapat lang, noh!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez