Pinoy Pop group na SB19, gustong ma-penetrate ang international music scene

SB19

MAHUHUSAY kumanta at sumayaw ang gupong SB19. Sila ang kauna-unahang 5-member all Filipino boy group na binuo at hinasa sa ilalim ng Korean entertainment company na ShowBT Philippines Corp.

Members ng SB19 sina Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin.

      Nagpakitang gilas ang grupo sa press during the media launch ng kanilang  bagong single titled  Go Up na produkto ng kanilang mahigit 3 years na training sa K-Pop system.

      Sa totoo lang, walang panama ang ibang male group ng bansa kung pagbabasehan ang galing sa pagkanta at pagsayaw ng SB10. Iba-iba rin ang kanilang personalities at lahat sila ay magagaling magsalita at sumagot sa mga tanong. Nakaka-believe, huh!

      Going back to their single, ang Go Up ay itinuturing ng SB19 na kanilang breakthrough single pagkatapos ng una nilang single na Tilaluha na inilabas noong Oct. 2018. Tinutukoy sa Go Up ang iba’t ibang hirap at ang pag-abot ng pangarap.

      Goal ng SB19 na makilala sa international music scene bilang Pinoy Pop group.

      Available na ang kanilang Tilaluha at 
Go Up sa Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon Music, Google Play Music at iba pang digital platforms.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleBus companies na nagpapalabas ng pirated copy ng ‘Hello, Love, Goodbye’ kakasuhan
Next articleAiko Melendez lumipat sa ibang manager, umalis na kay Boy Abunda

No posts to display