Pinoy transgender Angel Bonilla, lalaban sa International Pop Music Festival sa Europe

Pinoy Transgender Angel Bonilla and Her Mentor Eduard Bañez
Pinoy Transgender Angel Bonilla and Her Mentor Eduard Bañez

Ayaw talagang paawat ng mga Pinoy transgenders. Kung first time na may nagwaging transgender sa Kongreso nitong nakaraang eleksyon, meron ding transgender na Pinoy pride dahil dala-dala ang Pilipinas para sa International Pop Music Festival sa Europe sa katauhan ni Angel Bonilla.

Humihingi ngayon ang Fil-Am transgender na suportahan siya sa International Pop Music Festival sa Europe (Varna, Bulgaria). Iboto siya sa www.discoveryfest.com para manalo sa Best Song at Best Singer category.

“Friends pls spread the link. Pls help me by voting on my song. Click it’s you, Angel Bonilla, Philippines and click vote under,” pakiusap pa niya.

57 countries ang kanyang makalalaban sa music fest na nagsimula na nu’ng May 16 at matatapos sa May 22.

Si Eduard Banez na dating Star Magic artist at Net 25 newscaster ang mentor ni Angel. Siya rin ang nagkuwento na bongga ang gown na isusuot ni Angel sa singing competition designed by Edison F. Cortez dahil may 24 karat gold plated daw ito.

Nanawagan din ng suporta si Eduard sa kapwa Pinoy na iboto si Angel para manalo.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleSef Cadayona, pinagdududahan ang kakayahang mag-judge sa reality comedy search show sa Siyete
Next articleSylvia Sanchez, ‘di na para sa sarili ang wish ngayong kaarawan

No posts to display