MARAMING NALUNGKOT SA Canada at maging sa lahat ng sulok ng mundo na merong mga Pinoy sa pagkakatanggal ng Pinay na si Thia Megia sa American Idol Season 10, kung saan umabot lang ito sa top 11.
Tsika nga ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho na sa Canada like Lovely Sogocio, Richard Bryan Omosura, Eliross Sabas, Christian Agngaray, Jai Lino, Papa Bear, ang Pinoy-Italian na si Massimo Falvo at Samantha Albanese, at ang internatioanl singer/composer at CEO-President ng Ecclesiastes Entertainment Production si Ramil Omosura at ECC Singer na si Geena Geneza, nakapanghihinayang naman daw na maagang natanggal si Thia sa AI. Kitang-kita naman daw na magaling ang performance ng gabing ‘yun ng Pinay singer. Kaya naman daw hindi na manonood ang mga ito ng AI sa pagka-tsugi ni Thia.
Kahit nga ang host ng sikat na sikat na talk show sa Vancouver, Canada, ang Pinoy Buzz na si Janice Lozano ay nagulat din sa pagkaka-eliminate ng 16 years old Fil/Am singer. Sana naman daw ay umabot si Thia kahit man lamang sa Top 5, dahil deserving ito at iba ang quality ng boses na may pagka-Jennifer Hudson. Maaalalang si Jasmine Trias pa lang ang may pinakamataas na ranking na naabot ng isang Fil/Am na nakasali sa AI kung saan umabot ito hanggang top 3.
MASAYANG-MASAYA ANG TINATAYANG isa sa busiest young star sa industriya at isa sa bagong dagdag na image model ng BUM Apparel na si Bea Binene having three shows sa Kapuso Network, ang top-rating teen show every Sunday na Tween Hearts, Party Pilipinas at Captain Barbell, at isang show sa QTV 11.
Very thankful daw si Bea sa pamunuan ng GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng magagandang trabaho, kaya naman daw double effort siya para paghusayan ang kanyang trabaho nang sa ganoon man lamang ay masuklian niya ang magandang pag-aalaga ng Kapuso Network.
If ever nga raw na mabibigyan siya ulit ng new show ng GMA-7, gusto nitong may pagka-action/love story ang magiging tema ng kanyang show. Mas gusto raw kasi ni Bea na magamit niya ang kanyang galing sa Wu Shu. Kabog!
MUKHANG HINDI LANG sa Pilipinas uso ang intriga, kundi maging sa Canada ay in na in at usung-uso ang intrigahan. Katulad na lang ang bagong singing sensation sa Canada na isang pure Pinoy na si Ethel Rose Amistad na sinasabing sinulot ang titulong ‘Vancouver’s Sweetheart’ sa maga-ling na mang-aawit na si Joey Albert.
Si Joey Albert daw kasi ang may hawak ng nasabing titulo noong sobrang aktibo pa ito sa pag-awit sa Canada, na siya ring image model/endorser ng Times Telecomm. Simula raw kasi nang mag lie-low si Joey sa pagkanta sa Canada, ibinigay na ang nasabing titulo sa 12-year old newest singing sensation sa nasabing bansa.
Hit na hit nga raw sa ngayon ang carrier single ng album nitong “A Life Story” na “Blue Eyes” na inaawit ng mga bata, teenager at maging ng mga matatanda sa Canada at isa sa paboritong i-down load sa iTunes. Kahit nga raw sa Amerika ay unti-unti na ring gumagawa ng pangalan ang protegee ng Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na siyang CEO/President ng Ecclesiastes Entertainment Production na siyang namamahala sa career ni Ethel.
Tsika nga raw ng magaling na mang-aawit na si Ethel na wala raw siyang inaagaw na titulo dahil ibinigay lang daw sa kanya iyon. Mataas daw ang respeto nito at saludo kay Joey bilang maga-ling na mang-aawit at mabait na tao.
John’s Point
by John Fontanilla