OLA CHIKKA! Lunes na naman kaya dapat sumasabog na parang kapeng barako sa init ang ating chikka to the maximum authority of chismaks.
Kasi nga naman nu’ng nakaraang linggo, nag-inarte na naman itong si Willie Revillame. Kasi sinita siya ng management ng TV 5, dahil laging overtime ang kanyang Wowowillie. Hindi lang sinita kung hindi nakatanggap ng memo.
Nakakaloka! Siya pa ang may ganang magtampo sa TV 5. Parang nagpaparinig na naman na masama ang loob niya, kasi bakit pinutol sila sa ere na hindi pa tapos ang palabas, pero sa itinakdang oras ay lumagpas na si Willie nang mahigit kalahating oras. Kaya karapatan ‘yun ng management ng TV 5 na putulin, kasi sinusunod lang ang programming.
Hindi siguro talaga alam pa ni Willie ang mga regulasyon ng programa sa radio at TV na may itinakdang oras ‘yan sa program mo, na bawat minuto mahalaga sa susunod na program.
Naalala ko nu’ng nabubuhay pa si Tiya Dely Magpayo, kasamahan ko sa DZRH, na please ‘wag na ‘wag kang makakakuha ng hahit isang minuto sa kanyang programa, kasi talagang magagalit sa ‘yo ‘yun. Dahil ‘yan ang rules ng radio at television na kung ano ang itinakda sa ‘yong oras, ‘wag kang lalampas, mga 2-3 minutes bago matapos, dapat magpaalam ka na para sa susunod na programa, at dapat ipaalam mo kung ano ang susunod, dahil ikaw ang pre-program niya. Kaya nga kung inabutan niya si Tiya Dely, tiyak kutos ang aabutin niya.
At dapat dito kay Willie, mag-workshop muna sa KBP para malaman niya ang tamang pagha-handle ng programa. Lagi kasi niyang pinagmamalaki na malaki talaga ang naitutulong ng programa niya. Yes, nandoon na tayo, kahit ubusin pa niya ang lahat ng pera ng Pilipinas wala tayong reklamo sa kanya, dahil ginusto niya ‘yun. Pero ang sumunod sa tamang oras na itinakda sa kanyang programa ay dapat sundin niya. Lagi naman siyang may suot na relo,. maliban na lang kung may suot ka ngang relo, hindi ka naman marunong tumingin ng oras.
Kung makarating ito kay Willie, ito ay paalala lang bilang matagal na sa industry, na dapat sumunod tayo sa ipinatutupad ng inyong himpilan kung hanggang saan lang ang oras mo, dahil masisira ang programming ng station sa araw-araw na lagi kang overtime. Ito ay paalala lang po, dahil alam ko pa ang patakaran sa radio at television.
Sa mga nababasa ko kasing komentaryo ng iba nating kasamahan sa hanap-buhay, parang kinakampihan pa nila si Willie, kasi nga naman marami ang natutulungan. Pero ang rules and regulation ng isang broadcaster, host at DJ, newscaster sa radio at television ay iisa lang. Siya lang naman ang tanging gumagawa ng ganyan kasi hindi niya siguro alam kung ano ang dapat niyang sundin. Kasi ginagawa lang niya ang gusto niya, hindi niya alam na marami ang nasasagasaang programa sa kao-overtime niya. Kahit itanong n’yo pa sa TV 5, ‘yan talaga ang rason.
Naalala n’yo ba ang teleserye ni Nora Aunor kung bakit sumemplang sa ratings ‘yan? Ang dahilan, na wala sa takdang oras ang pagpapalabas, umpisa pa lang nitong Wowowillie, palpak na, ‘di ba? Itinakda na 11:30am, nag-umpisa 12:00nn at natapos ng 4:30pm. Anong klaseng show ‘yan?
Sige nga, kung aalis ka d’yan sa TV 5, saan kapa pupulutin? ‘Wag kasing pairalin ang kayabangan at pansariling kaalaman. Dapat sumunod ka sa patakaran ng station, hindi ng iyong kagustuhan. Intiende! ‘Yun lang!
PITIK-BULAG: Sino itong sexy actress/ singer/ TV host na wala nang career? Kasi nga naman, napabayaan na ang sarili.
Balita na nalululong ito sa masamang bisyo. Pinalalayas na sa apartelle na tinitirhan niya kasi walang maibayad. Wala na kasing raket, dahil hapis na hapis na ang kanyang mukha at halatang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Parang gusto kong sumigaw ng walang tulugan!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding