Bongga naman ni Piolo Pascual (aka Papapi) dahil sa pagkahalalal niya bilang ambassador ng Optical Media Board (OMB) kamakailan.
Bilang isang ambassador ng OMB, isang pribilehiyo ito para sa aktor na mapabilang sa ahensiya na may responsibilidad sa anti-piracy na kampanya ng naturang opisina.
Paliwanag ng aktor sa presscon ng bago niyang pelikulang “Northern Lights: A Journey to Love”, “It’s a privilege. It’s an opportunity to exercise your status and use it for the right reasons.”
Dagdag pa niya tungkol sa bagong akong responsibilidad, “You belong to the cinema, you belong to the entertainment industry, so best foot forward. And at the same time, you can use your influence to spread the cause, ‘di ba? So, malaking karangalan sa ‘kin ‘yun bilang artista.”
Bilang ambassador ng OMB, katungkulan niyang magbuo ng awareness sa publiko.
“I believe in what the agency stands for which is anti-piracy, be it for TV, music, and cinema. So, ‘yun lang ang pinaka-battle cry natin,” sabi niya.
Si Papapi, kapag may inakong responsibilidad, makikita mo ang pagiging agresibo niya sa objective o adhikain ng kung ano mang pinaniniwalaan niya.
Sa bagong pelikula niya with Yen Santos at Raikko Mateo sa direksyon ni Dondon Santos, isa sa mga adhikain ni Piolo bilang ambassador ng OMB ay pangalagaan ang pelikula niya na hindi ma-pirata.
Ang “Northern Lights: A Journey to Love” kasi ay napakamahal ng cost ng pagpo-produce ayon sa supervising producer ng pelikula na si Manny Valera.
Airfare pa lang flying to New Zealand ay ta-tumbling ka na sa presyo. “Very expensive talaga. Pati food, working time, international standard. Eight working hours lang talaga. At ang travel time from your hotel to the location and back ay counted at binibilang nila,” kuwento sa amin ni Direk Manny V.
Ang pelikula ay co-production ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema at showing na sa March 29.