SOBRANG KALUNUS-LUNOS ang iniwang alaala ng bagyong Sendong sa ating mga kababayan sa Mindanao, lalo na sa Cagayan de Oro at sa Iligan. Grabeng hagupit at lupit ang ina-bot ng mga taga-lalawigan.
Na ultimo subdivisions ay binura ng naturang bagyo. Talagang pagdating sa kalamidad, walang mahirap, walang mayaman.
Pero ang nakakatuwa sa mga Pinoy ay ‘yung presensiya ng simpatya at pagtulong. Kaya naman hanggang ngayon ay kumakatok pa rin ang mga TV stations sa puso ng mga maykaya sa buhay na mag-donate para sa mga Sendong victims.
MERONG SUMITA sa aming isang kaibigan. Ba’t daw hindi kami tumutulong sa mga Sendong victims. Ba’t daw sina Vice Ganda, Kris Aquino, Angel Locsin at Anne Curtis, dumating pa sa CDO para mamahagi ng tulong?
Parang ang babaw ng argumentong ito na sige na nga, patulan na namin.
Kahit alam namin sa sarili na kami’y patuloy na tumutulong, hindi na para ipagmakaingay pa namin o ipagbanduhan na kami’y tumutulong.
Alam naming hindi naman din pumunta ang mga artistang nabanggit doon para makunan sila ng kamera, para ‘pag napanood ng mga tao ay isipin nilang ang babait ng mga artista.
Nagkataon lang na halos lahat ng TV stations doon ay naroon para i-cover ang trahedya at nagkataon lang din na dumalaw ang mga artistang ito at nakuhaan ng video.
Kami naman, in our own little way ay nag-share din ng tulong, pero sa tahimik na paraan lang. Hindi na para tumawag pa ng mga TV crew para saksihan nila ang pagdeposito namin ng aming nakayanan sa account na para sa mga nasalanta ng bagyong Sen-dong.
Naniniwala kami na ‘pag bukal sa loob mo ang pagtulong o nananalaytay sa dugo mo ang pagtulong sa kapwa, kahit palihim, tutulong ka. Hindi na para ipakita pa sa kamera at mapanood sa telebisyon ‘yung good deed mo.
Kung natural sa ‘yo ang pagtulong, hindi ka na mako-conscious. Lagi mong isipin na alam naman ni Lord kung ano’ng naging partisipasyon mo sa oras ng kagipitan at panga-ngailangan ng iyong kapwa, kaya hindi mo kailangang magpakitang-tao.
Mas bumibilib kami sa mga taong tumutulong at sa ibang tao pa namin nalalaman na sila’y tumutulong pala.
Diyan kami bilib kay Piolo Pascual. Ang daming tinutulungan, pero hindi na ipinagyayabang.
BLIND ITEM: Napatulala kami habang may isang kaibigang nagkukuwento na hanggang ngayon pala ay pumupunta pa ring madalas sa bahay ng isang hunk actor ang isang sexy young actress.
Hindi naman sinabi sa amin ng aming source kung nagse-sex pa rin ang dalawa. Although alam ng lahat na ex-couple na ang category nila.
Pero ang girl daw ay nagpapasundo na lang at nagpapahatid sa house ng hunk actor. After a few hours of stay, ipinapahatid na ito sa driver.
Para bigyan namin ng malisya ito ay puwedeng hindi, puwede rin namang oo. Puwede rin naming isiping mas bongga ang friendship nila ngayon kesa nu’ng sila’y magkarelasyon pa.
Puwede ring ang friendship nila’y gone a long, long way at ayaw nilang ito’y maintriga pa, lalo na’t may boyfriend na ang young sexy actress.
I’m sure, ‘yung iba, mag-iisip pa rin na nagkakadyugdyugan pa ang dalawa. Pero kami, naniniwalang ganon lang sila ka-close as ex-sweethearts, kaya lagi silang may bonding time and they show real concern for each other.
Me gano’n.
Paki-like naman po ang www.facebook.com/vibestayo fan page at puwede rin kayong mag-watch live ng show namin ni Rommel Placente. Sundan n’yo rin kami sa twitter (@ogiediaz) at alamin ang mga latest happenings.
Oh My G!
by Ogie Diaz