Piolo Pascual, aminadong hirap sabayan ang kakenkoyan ni Angelica Panganiban

THE LONG wait is finally over for his fans dahil muling nagbabalik sa big screen si Piolo Pascual with his new romantic-comedy movie Every Breath U Take under Star Cinema. This time, isang kakaibang Piolo ang napapanood ng publiko kasama ang kanyang leading lady na si Angelica Panganiban. The movie is directed by Mae Czarina Cruz and is now showing in theaters nationwide.

The movie is about Majoy, a woman who wants to fall in love, and Leo, a guy who takes love easily.

Piolo and Angelica first teamed up in the hit ABS-CBN aksyon-serye Mangarap Ka in 2004. Ngayon naman ay pakikiligin at patatawanin nilang dalawa ang mga manonood sa Every Breath U Take. Kuwento ni Piolo, “Actually, most of the movies I’ve done, rom-com naman before. More on drama love story. This time around, I can say [it’s] the lightest that I’ve done [so far]. Being with Angelica, iba iyong feel ng story, iba iyong feel ng movie. It’s more relaxing kasi hindi siya nakaka-pressure in terms of acting.”

Aminado naman si Piolo that he had a hard time pitting comic talents with Angelica during their shooting. “Ang hirap sabayan ang comic timing ni Angelica. ‘Di naman ako komedyante. Medyo na- nganganay. Siguro roon sa mga parts na napaka-spontaneous niya medyo nagiging stiff ako because it’s hard to keep up. Nahirapan ako because napaka-natural niya [samantalang] ako, it takes me a few seconds bago makapagsalita. It’s not my forte.”

Magkaganu’n pa man, lumabas pa ring maganda ang chemistry nila onscreen. Talagang naaaliw ako kapag napapanood ko ang teaser ng kanilang pelikula. It’s a feel good movie para sa mga in-love, sa mga gustong ma-in-love, at sa mga taong naghahanap ng saya para sa kanilang pusong nalulumbay.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleSa pagdinig sa Temporary Protection Order Claudine Barretto, nag-iiyak sa korte!
Next articleEnchong Dee, patuloy na pinagdududahan!

No posts to display