Piolo Pascual bagong brand ambassador ng Beautéderm

Leo Bukas

ISANG milestone para sa Beautederm Corporation ang pag-welcome nila ngayong September 2020 kay Piolo Pascual bilang pinakabagong celebrity brand ambassador na nataon pa sa pagdiriwang ng 11th anniversary ng kompanya.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine bilang “Women of Style and Substance” ay maligayang-maligaya na bahagi na ang award-winning actor sa kumpanyang kanyang itinatag 11 years ago.

Beautéderm CEO Rhea Tan and Piolo Pascual

“Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kumpanya noong 2009,” sabi ni Anicoche-Tan. “With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry.”

Iniendorso ni Piolo, na very active at healthy ang lifestyle, ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libu-libong consumers.

FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nag-dedetoxify at nag-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan na laging on the go gaya ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, madami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho,” sabi ni Pascual.

“Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nag-shoshower ako after a long day,” dagdag niya.

Nagpapsalamat din si Anicoche-Tan sa patuloy na support ng mga loyal Beautéderm users sa gitna ng pandemiya.

“Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan di lamang ang aming users kung di pati na rin ang aming resellers at distributors sa pagdedevelop ng mga produkto na mataas ang kalidad. We have partnered with Piolo dahil madami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya,” ani Rhea.

Beautéderm CEO Rhea Tan and Piolo Pascual

Si Piolo naman, na isa ring negosyante, ay inspired sa business model ng Beautéderm.

“Nakakatuwang malaman na madaming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga resellers at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of Beautéderm,” sambit niya.

Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.

 

Previous articleTed Failon bitbit si DJ Chacha sa paglipat sa TV5
Next article‘CHILDHOOD HERO’ NG MGA KALALAKIHAN: Maui Taylor, inalala ang kasagsagan ng pagpapaseksi sa pelikula

No posts to display