HINDI LAHAT ng nababasa online (website man or blog) ay dapat paniwalaan. Lalo pa’t kaliwa’t kanan ang mga kuwento na hindi mo alam kung totoo o SS (salsal sa lenguwaheng showbiz) na isinulat lang na nakatitig sa kisame na walang basehan at katotohanan.
Kaya nga hindi ako sang-ayon sa lumabas sa website na manilalink.com na sinasabi na inamin na ng aktor na isa siyang “gay”. Foul na foul. Alam mo na sinalsal ang balita na kung aanga-anga ka na nagse-surf online, mapaniniwala ka. At dahil by nature, ang tao ay tsismoso, asahan mo, nai-share na ng mga nakabasa ang “balita” na lumabas.
Hindi ko gusto ang intensyon ng naturang site. Hindi ko gusto ang ginawang pambu-bully nila sa aktor na nananahimik lang, na paggising ko noong Biyernes ng umaga, nabasa ko na lang ang link sa FB ko.
Kaya sa mga inosente o walang kamuwang-muwang na mga Pinoy na hindi marunong sumala ng balita, ingat lang. Hindi lahat ng nababasa ninyo online ay totoo o may mukha na magpapakilala sila kung sino sila para paniwalaan natin ang kanilang isinulat o opinyon.
Wala itong ipinag-iba sa mga online bashers na ang ang tatapang magbigay ng kanilang opinyon, pero alyas or fictitious names naman ang gamit nila. Sa social media at online, ang daming mga ganito na nagtatapang-tapangan, pero wala namang mga mukha at mga bayag.
I pity Piolo Pascual sa bullying na ito. I pity other people (celebrities man o hindi) na biktima ng mga paninira online na walang basehan.
Basta kami, ano man si Papa P. love namin siya. Mabait ang pagkatao niya na hindi man niya sinasabi kundi naikukuwento lang sa amin ng ibang mga tao na nakasasalamuha siya, sapat na ‘yun para suportahan namin siya at naniniwala kami na isa siyang mabuting tao.
Reyted K
By RK VillaCorta