Showing na simula pa nung Black Saturday (March 26) ang “Hele Sa Hiwagang Hapis” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at marami pang artista. Si Lav Diaz ang director ng pelikula na binigyan ng parangal sa Berlin International Film Festival.
Walong oras ang pelikula kaya tinanong namin si Piolo Pascual kung sa tingin ba niya ay handa na ang Filipino audience na manood ng ganun katagal na pelikula sa sine.
Ayon sa aktor, “Alam mo, after watching it in Berlin, maiisip mo talaga na eight hours is nothing. At the end of the day, it’s about conditioning yourself as to how far or how long you’re going to be sitting in a theater. It’s a treat more than it being a sacrifice,” paliwanag ng aktor.
Dagdag pa niya, “You will learn so much about history, about film making. It brings you there. In all honesty, I’m not trying to patronize the film, pero bitin pa siya. Ang dami pang puwedeng puntahan ang story, but of course, mahirap naman na buong araw tayong nasa sinehan.”
Para raw mas higit na maintindihan ang “Hele Sa Hiwagang Hapis” ay dapat daw na maumpisahan ito.
“For you to understand the whole film, you have to watch it from beginning to end ng one sitting,” sabi ulit ni Piolo.
Ipinagmalaki din ng aktor na pagkatapos ng kanilang Berlin premiere ay naimbitahan ang pelikula sa 80 iba’t ibang film festivals.
Aber, mapanood nga ang “Hele Sa Hiwagang Hapis”. I will personally take the “Hele challenge” this week.
La Boka
by Leo Bukas