SECOND FAMILY na ni Piolo Pascual ang Sun Life, pareho silang endorser ni Iñigo Pascual. Naniniwala kasi ang actor na malaki ang maitutulong ng SL sa kanilang pamilya at sa bawa’t Pilipino na gustong mag-invest for their personal security and future of their children. Physically fit pa rin si PJ, good looking at simpatiko. Habang nagma-mature ang binata, lalo yataNG nadadagdagan ang kanyang sex appeal. Conscious ang actor pagdating sa physical look nito. Daily routine na niya ang mag-exercise, going to the gym, eat the right food, and complete rest if ever wala siyang shooting or taping.
Maybe in five years time baka mag-asawa na raw si PJ at magka-pamilya. Pero sa ngayon, hindi pa niya masabi kung kailan darating ang right girl para maging partner niya sa buhay. “Hindi ko pa iniisip ‘yan, sana nga… ang importante, value your family and friends,” say ng actor.
Masayang ibinalita ni Piolo na may trip sila ni Iñigo sa Spain para naman makapag-bonding silang mag-ama. “That’s what he wants it, sa Spain niya gustong pumunta. I brought him a car nang nagpunta siya rito part of payment ng SunLife. Hindi siya materialistic, hindi niya sinasabi kong ano ang gusto niya. Sabi lang niya sa akin, ‘Bahala ka na Papa, whatever you think is right,’ So ganu’n. Ayaw ko naman siyang i-shower ng mga materyal na bagay, baka isipin niya ‘yun na lang ang value ng pagmamahal mo sa kanya. ‘Yung mga batang ganyan na hindi mo nakasama sa bahay, they would think na pinupunan mo lang ‘yung pagkukulang mo through material things, so very careful du’n. Ayaw kong isipin niya na kaya kong bilhin o kaya kong bayaran ‘yung oras na hindi kami magkakasama. So I rather spent time with them which I find more valuable for him.”
Para kay PJ, alam niyang may pagkukulang siya kay Iñigo as a father. “Of course, there are moments, noong nagsisimula siya, bakit hindi raw ako nagpunta sa set niya? Sabi ko naman, I work everyday. If you want to spent time with me, spent time with me. Come to my set, you can do anything with me. You know, I’m just watching you to come. Sabi ko, kasama mo naman ang mommy mo, hindi ka naman babae para samahan ka namin pareho sa set mo. Pangit naman kung lalaki ang anak mo tapos pareho kayong parents na nadu’n, ‘di ba? I like him to be independent also. Whenever I got a chance, I’ll try to balance, siya ‘yung gumagawa ng ano…
“Ayaw kong sumama ang loob ko, upon myself kung kalian ka puwede doon na lang ako. Kasi nandito na naman siya, we have more time together. The thing is, he got busy with his work. Sabi ko, basta okay ka, like right now, 3 days na kaming magkasama and it’s so much fun. Like kanina, nagba-bike kami, habang nagba-bike, you try to interview him, ask him, kung ano na ang nangyayari sa kanya? Nasaan na ba siya sa buhay niya? And through 1 hour, ang dami kong nalaman na bagay, so may mga ganu’ng moment na hindi mo pinaplano, hindi mo siya ini-integrate. You just want to be part of his life,” pahayag ng actor.
About personal life of Inigo, hindi nanghihimasok si PJ. “He’s just a kid, kasi nga nag-iisang anak. Maganda ‘yung puso niya. Maganda naman ang pagpapalaki sa kanya kaya okay naman siya,” sambit niya. Inamin ni Papa P., hindi niya basta- basta pinapayagan si Inigo na mag-party-party o gumimik ito kasama ang barkada. “Eh kasi party boy ako. Hindi ba takot tayo sa sarili nating multo? Pinagdaraanan naman ‘yun, sabi ko, huwag ka lang magmadali. May mga nagda-drugs sa club, so nakakatakot. You could be with any person especially when you go to the party. Like last night, nasa Imagine Dragon kami, I felt bad because he choose to hang out with people his age. Siyempre, tampo ako, akala ko magkasama tayo. He would like to hang out with people na makakabiruan niya. At the end of the day, tatay pa rin niya ako. For me, huwag kang magmamadali, because it also affects you in a way na hindi mo mako-control ‘yung mga taong nagso-social media, baka masaktan ka rin.”
Anong advice ang puwedeng ibigay ni Papa P., if ever may gay na gustong manligaw kay Iñigo? “He knows better because nakikita naman niya ako. Just know what is right. Just know what is good. May mga bagay na kailangang sabihin sa kanya, hindi ko na kailangang sabihin sa kanya, dahil nakikita naman niya in this business.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield