Ugali na namin na tuwing may bagong Pinoy film na ipinalalabas tuwing Miyerkules, hangga’t maaari sa first day namin ito napanonood.
Kahit may kalakasan ang ulan last Wednesdy night, sumugod kami sa Gateway Cineplex para mahabol ang LFS ng pelikula nina Piolo Pascual, Coleen Garcia, at Dawn Zulueta. Naaliw kasi sa tema ng pelikula ni Direk Gino Santos. Very hip na maging ang sikat na dance club na Revel at mga ganap sa panahon ng mga OMG, FYI, millennials, online bloggers, at social media ay naging background ng pag-iibigan nina Dawn at Piolo Pascual at ng pagmamahal at kabaliwan naman ni Coleen kay Piolo sa kuwento.
Inihabi ni Direk Gino ang kuwento ng pag-ibig sa iba’t ibang kategorya ng edad ng tao. From a “tita” na ginagampanan ni Dawn Zulueta to a middle age guy na tipong ‘di alam kung saan patungo ang karir at buhay na tipong happy go lucky pa rin ang lifestyle na ginampanan ni Piolo as the dashing and sexy DJ na si CJ, to sikat na blogger-young socialite played by Coleen, bawat isa sa kanila ay may pag-ibig na hinahanap.
Hot na hot ang love scene ni Piolo at Coleen. Sa mga tita at beki nag-iilusyon kay Papa P, matutuwa kayo dahil hindi tinipid ng aktor ang sarili sa pag-flaunt ng kanyang kaseksihan.
Daming eksena ni Piolo na yum-yum siya sa eksena. Abs kung abs ang mga eksena. Ang hindi mo nakikita sa pisikal at katawan ng isa sa mga showbiz hunk natin sa kasalukuyan ay matutunghayan sa pelikula.
‘Di nga ba’t ang running joke during the promo ng pelikula, por kilo ang karne ni Papa P. sa pelikula?
Sa kabuunan ng pelikula,napagtanto ko na p’wede pa rin palang ma-in love ang isang nasa liyebo 50 sa isang mas bata sa kanya na halos kasing edad lang ng anak niya.
Oks sa akin ang kuwento. Mas matured naman this time ang tema na bagay naman kina Piolo, Coleen, at Dawn ang mga ginagampanan nilang mga karakter.
Congrats, Star Cinema! Not bad for a weekend treat sa pamilya, sa girlfriend, sa nililigawan, at mga “tita”.
Yes, there is life after 50!
Reyted K
By RK VillaCorta