TUMULAK NA PATUNGONG America si Piolo Pascual para makapiling ang mga mahal niya sa buhay pero nangakong babalik ng ‘Pinas bago sumapit ang Kapaskuhan. “Yes, I’m coming back for Christmas. My Mom is in the States pati anak ko so, pamilya muna. Kung sinong available na gustong sumama sa akin, ‘yun ang isasama ko pabalik dito sa Manila,” sey niya.
Natutuwang ikinuwento pa ni Piolo ang latest album niyang Decade. Personal favorite niya ang kantang “True Love”na very meaningful para sa kanya.
“At first, I don’t wanna record this because I found it too boring. Pero nu’ng binigyan ni Jonathan Manalo ng ibang taste, ibang flavor, ‘yun ang naging favorite ko. ‘Pag pinapatugtog ko, nari-relax ako. Masaya ako sa kinalabasan niya, hindi pilit. Ginawa kong mas contemporary lang, mas bagay sa panahon natin, ma-relax lang. May mapakikinggan habang nagda-drive or ‘pag nasa bahay tayo, ganu’n.”
Sa latest album ni Piolo, hindi maiiwasang intrigahin sila ni Richard Poon. “Hindi naman. Merely standard songs ang album na ito. Richard is a very good friend of mine. We go to the same church, we go in a small group and he’s my Kuya. In the sense na mas may kaalaman siya sa akin sa musika, I ask him kung ano pa ang puwede kong gawin para mapaganda ‘yung kanta ko. I don’t see any point of competing with him, tulungan pa nga. Tinutulungan pa nga niya ako para mapaganda ‘yung paglabas ng album, even the instrumentation. Si Richard Poon, one man show siya, he’s doing everything on his own so, isa siyang henyong tao,” paliwanag niya.
Hindi malilimutan ni PJ ang awiting “Strangers In The Night” na madalas kantahin ng Tatay niya noong bata pa siya.
“Because this is the first song I ever memorized when I was a kid. Ito ‘yung kinakanta ng Tatay ko, siguro ito ‘yung kasama ng “My Way” sa album ni Frank Sinatra. I still remember vividly na nakatayo ako sa kama, kinakanta ko ‘yung “Strangers In The Night”. Memorable sa akin itong kanta, I chose the song to be included in the album because I want to dedicate this song to my Dad na isa rin sa nag-influence sa akin sa pagkanta. “I’ll Be Seeing You” is really for my Dad kasi, na mi-miss ko ‘yung Tatay ko. Siya talaga ang strongest influence ko sa music. Siyempre, matagal-tagal na rin naman siyang nawala. If he’s just alive I’m sure magiging proud siya sa akin. Ito ‘yung mga kantang magugustuhan niya,” pahayag ng binata.
Nasa top of the world ngayon si Piolo, naabot na niya ang pinapangarap ng bawat artista. Matanggap kaya niya kung dumating ang panahong hindi na siya sikat? “Nae-excite nga akong makapamasyal, eh. In eleven years ko sa industriya, hindi ko nabigyan ang sarili ko ng enough time to enjoy life. Yes, I enjoy life naman. I just wanna look forward… I wanna anticipate that, so you give chance to others. Ang isang bagay ‘pag inari mo na, akala mo ‘pag nawala sa ‘yo, masakit. ‘Yung sa akin naman, lahat ng bagay panandalian lang, hirap lang. Kung anuman ‘yung mayroon ako ngayon i-enjoy and I’m greatful for it! Lahat naman dumadaan du’n, hindi ka na naman teenager. Kung anuman ‘yung mangyari kinabukasan, happy pa rin ako because buhay ako, may nagawa ako sa buhay ko. Grabe na ‘yung nangyari sa buhay ko, kung magpapaka-selfish pa ako, hindi ko bibigyan ng chance ‘yung ibang tao, may problema sa akin,” paliwanag ni Papa P.
For how long are you gonna stay in the business?
“I’m not gonna be on my prime all my life, you know. There will be younger ones, napi-feel ko na ‘yan, hindi na naman tayo bumabata. At this point of my career, I can say, I’ve done a lot. I’ve done more than I can do. Grateful ako because nabibigyan pa rin tayo ng mga bidang role, nakakasama ko pa ‘yung mga bata from Judai, Bea, Claudine, Angel, Kristine, KC… so, hanggang may proyekto sa akin, priority pa rin sa akin ang trabaho. If there is opportunity to be in the business… ito ‘yung minahal ko, ito na ‘yung nagpalaki sa akin, nagbigay sa akin ng buhay… so, babalik at babalikan ko pa rin ito. As you grow in few years time, it will change,” pagwawakas na sabi ni Piolo Pascual.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield