AS EXPECTED, pinilahan ng moviegoers ang The Breakup Playlist. Sa first day nito noong Miyerkules, July 1, ay naka-15 million kaagad ang latest Star Cinema offering na first team-up nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual.
Parehong na-enjoy raw nina Sarah at Piolo ang buong panahon na itinakbo ng shooting nila para sa The Breakup Playlist.
Si Piolo, dream leading lady kung ituring si Sarah. Bakit nga ba?
“Bakit naman hindi? It’s an experience to be working with Sarah kasi iba siya, e. Iba ‘yong ibinibigay niya sa screen, iba ‘yong ibinibigay niya sa stage. So, I was really intrigued. Sabi ko… sana makatrabaho ko si Sarah. Maganda pa ‘yong work ethics niya, maganda pa ang personality. She’s really an artist. You know ito (Sarah) kapag nakita mong ganyan, hindi mo iisiping makabasag pinggan o makakagawa ng hindi maganda. Pero she transforms before your very eyes. Nakatutuwang tingnan. Ang galing!”
Napabalitang may isang eksena sa pelikula na hindi maka-concentrate si Sarah dahil sa sobrang kilig daw kay Piolo. Totoo ba ito?
Kuwento ng singer-actress… “Ano po iyon, mag-boyfriend-girlfriend kasi kami sa eksena at nakaakbay lang siya sa akin. So, casual na nag-uusap kami. Kabisado ko ‘yong line ko, pero… wala. Hindi ko po talaga kinakaya ‘yong thought na mag-boyfriend-girlfriend kami. Parang ang ganda-ganda ko! Hahaha! ‘Yon, parang hindi ko po talaga kinakaya.”
Maganda ang feedback mula sa mga nakapanood na ng pelikula. Marami raw ang makare-relate sa kuwento nito na tumatalakay kung paano nga ba talaga magmahal.
Sina Sarah at Piolo, paano rin ba sila magmahal?
“Basta… laging may assurance,” sabi ni Sarah. “Ina-assure mo lagi ang tao na nandito ka para sa kanya. Especially kami (ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli). ‘Di ba po… hindi na kami halos nagkikita,” dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.
Birong nasabi naman ni Piolo… “Hindi ko masagot! Walang minamahal, pasensiya naman! Hahaha!”
Pero dati no’ng nagmahal siya, paano?
“I try to be present,” sagot ng aktor na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng oras o panahon para sa iyong minamahal.
HINDI NAKARATING Si Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa announcement ng mga napiling entries sa nalalapit na QCinema Internationl Film Festival na ginanap noong Martes, June 30, sa Gloria Maris sa 4th floor ng Gateway Mall sa Araneta Center sa Quezon City. Kasama sana siya ni Vice Mayor Joy Belmonte na siyang Chairperson din ng Quezon City Film Development Council, para pangunahan ang nabanggit na press launch.
Si Vice Mayor Joy, masayang ibinalita na this year’s QCinema International Film Festival this will be the biggest film festival that they have had. Sabi pa nga niya… “The city government has allocated 22 million pesos for this year’s film festival. Which is in line with the trust of our city government to transform Quezon City into… The Art & Culture Capital of the country.”
Umabot sa 168 films daw ang natanggap nilang entries. “We’re also very happy to have the documentary section which we did not have last year,” sunod na naibalita ni Vice Mayor Joy. We feel that it’s a beautiful and welcome addition to our film festival.”
The DoQC International Documentary Competition signals QCinema’s thrust in putting the spotlight on local documentary filmmaking.
“Apart from that we will have the usual international movies, special films for children, and many many others,” sunod na pahayag ni Vice Mayor Joy.
“But what we are actually proud of is that the venues will be more diverse this year. Last year we had it in Trionoma Mall, we moved to Robins’s Magnolia, to the Ayala Terraces.
“The year before we only had it in Trinoma. And this year we will have the festival for ten days, not just a week.
“And our venues will include Gateway Mall, the UP Film Instutute of course, Trinoma, and the new soon to be opened Quezon City Interactive Museum where we’ll have two theaters there specific for indie filmmakers.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan