PIOLO PASCUAL PRODUCED the launching movie of Eugene Domingo titled Kimmy-Dora (Kambal sa Kyeme). “It’s a collaboration among friends. Noong inilapit sa akin iyong script I found it to be interesting. Si Chris Martinez ang gumawa ng script. I have always been a fan of Uge. If I remember, my last movie with her was Paano Kita Iibigin. Actually, she almost stole the show from me and Regine kasi sobrang galing niya. It’s about time for her to do a launching movie,” Piolo said.
Kaabang-abang din ang pelikula because Dingdong Dantes will play the leading man in the movie. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaka-trabaho sina Piolo at Dingdong. Piolo is thankful to Dingdong for accepting the movie project. On the other hand, Dingdong only has good words for Piolo. “Very supportive siya sa kanyang mga artista at talagang bumibisita sa set parati.”
Wala namang pagsidlan ng kaligayahan si Eugene dahil maliban kina Piolo at Direk Joyce Bernal na gagawa ng kanyang pelikula ay natupad na ang pangarap niya na makasama si Dingdong bilang leading man. “Talagang pinangarap ko. Kinukulit-kulit ko si Direk Joyce, ‘Direk, sana tanggapin ni Dingdong. Sana siya talaga ang gumanap.’” In the movie, Dingdong plays the finance head of Dogonghei company. He likes Dora but her twin sister, Kimi, likes him.
Mukhang tuluy-tuloy na ang pagpo-produce ng mga pelikula ni Piolo after Manila. “Hindi ko naman ito inisip na magagawa ko in such a short time na nasa industriya ako. Siguro, it’s part of growing up. I’m also thankful to Tita Malou Santos of Star Cinema who’s been mentoring me from the time I started. Noong inilapit namin sa kanya iyong pelikula para i-release ng Star Cinema ay hindi siya nagdalawang-isip,” he enthused.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda