MANANATILING Kapamilya ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual. Pumirma ang aktor ng kontrata sa ABS-CBN nitong Huwebes, September 16.
“It was good to be home. I never left anyway. Pero I’m just really happy and grateful for the moment to be back and to be welcomed by my bosses, my family. And it’s a good feeling to be here,” simulang pahayag ni Piolo sa ginanap na contract signing.
Isang red carpet welcome ang ibinigay kay Piolo bago ang kanyang contract signing na dinaluhan ng ABS-CBN executives Carlo Katigbak (ABS-CBN president at CEO), Cory Vidanes (COO of broadcast), Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, at ang talent manager ni Piolo sa Star Magic na si Lulu Romero.
Ayon pa kay Piolo, ngayon ang tamang panahon para ipakita niya ang loyalty sa network na nag-alaga sa kanya fore more than 25 years.
“It’s also one way of kind of returning the favor. Kasi, ‘di ba, they took care of me for so long. So at least, it’s high time for me to at least give back, yung kabaitan and opportunity na ibinigay sa akin through the years. And this is the best time to show our support, our loyalty.
“To quote my boss, Sir Carlo [Katigbak], sabi niya, ‘Masakit siyempre kapag umalis. Pero mas masakit kasi we’re not in a good position.’ So I didn’t want to add insult to the injury. I didn’t want to add more hurt to the station; that’s why I also stayed. And ito ‘yung pamilya ko, ito ‘yung bahay ko. So there was no reason for me to leave.
“Ako si Piolo Pascual. Kapamilya forever,” lahad pa niya.
Unang project na gagawin ni Piolo sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN pagkatapos niyang maging part ng isang TV show for a while ay ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Flower of Evil kapartner si Lovi Poe na isa na ring Kapamilya.