I JUST wonder kung totoo ang balita na sa pagpasok ng binatilyong anak sa showbiz ni Piolo Pascual na si Iñigo, ayaw ng aktor na iharap sa media ang anak.
Parang maramot naman yata si Papa P na ipakilala ang anak at i-share ang pagkakataon na makatsika ng mga showbiz writers ang binata gayong wala namang masama na makilala si Iñigo ng media.
Aminin natin na baguhan ang anak sa kaguluhan, intriga at tsismis ng showbiz na puwede naman niyang i-orient ang anak kung what to share or discuss sa media na ang mga legitimate press naman ay marunong magrespeto sa kahilingan ng artista o ng kanilng subject.
I remember, nabanggit na rin ito ni Papa P na ang movie na ginagawa ni Iñigo ay pang-thesis lang ng anak para sa requirements niya when he enters college next year.
As of this writing, si Papa P ay nasa Amerika para sa series of premiere night ng box-office hit nila ni Toni Gonzaga na Starting Over Again.
Reyted K
By RK VillaCorta