HINAHANAP NG entertainment press ang mga scholar na pinag-aaral ni Piolo Pascual during his presscon for the SUNPIOLOGY: An Adventure-Filled RUN with the Stars. Six years na kasi ang fund-raising event at very vocal ang aktor na sa scholarship ng mga estudyante napupunta ang proceeds ng kada event na ginagawa niya.
Tanong ng isang beteranang writer, nasaan ang mga scholar? Mas maganda raw kung mami-meet ng ilang entertaintment press ang iba rito.
Ang sagot naman ni Papa Piolo, ayaw na niyang ipangalandakan ang pagtulong na ginagawa niya sa mga estudyanteng pinag-aaral. Ibig sabihin, hindi na kailangan ng publicity para sabihing tumutulong siya at nagpaaral ng ibang tao.
“Nakakahiya po na ipakilala ko pa sila kasi baka sabihin naman nila, ginagamit ko pa sila for publicity,” katuwiran ni Papa P na bida sa top-rating series ng ABS-CBN na Hawak Kamay.
“Pero ‘yung iba, gusto rin nilang lumantad at magpainterbyu, pero ‘yung iba, ayaw na nila. Siguro po some other time, makikilala n’yo rin ang iba sa kanila,” dagdag pa niya.
Kunsabagay, hindi na nga naman kailangan pang i-broacast ni Piolo ang ginagawa niyang pagtulong sa kapwa. Mas maganda nga na sinasarili lang niya ito para hindi isiping pakitang-tao lang ang lahat, huh!
Bukod sa Sun Life project niya via SunPiology, may iba pa ring institusyon na tinutulungan si Piolo na hindi alam ng lahat. Isa siya sa tumutulong sa mga biktima ng breast cancer.
Anyway, ilan sa mga Star Magic stars na magpa-participate sa SunPiology event ay sina Matteo Guidicelli, PBB All In with Daniel Matsunaga, Jessy Mendiola, Rayver Cruz at marami pang iba.
La Boka
by Leo Bukas