MAY SARILI NANG rebulto sina Piolo Pascual at Charlene Gonzales! As in may sarili na silang life-size statues na replica ng kanilang mukha at katawan.
Sa selebrasyon ng University of Sto Tomas ng kanilang 400th anniversary/foundation, kinumisyon ng nasabing university ang award-winning, top sculptor ng Pilipinas na si Ramon Orlina upang gawan ng rebulto sina Piolo and Charlene, na parehong UST alumni.
Sa panayam namin kay Ginoong Orlina na isa ring UST graduate, sinabi nitong ang pinakamensahe ng 400th celebration ng kanilang alma mater ay tungkol sa naipundar nitong edukasyon sa bansa sa loob ng apat na raang taon (1611-2011).
Kung kaya naman, naisip nilang gumawa ng statues na magpapahalaga sa education, and so they got Piolo upang mag-represent ng male student, si Charlene bilang academian or teacher, si Rev. Fr. Rolando dela Rosa, OP Rector, ang priest, at ang anak ni Orlina na si Monina “Ning Ning” Orlina bilang female student.
Sinabi rin ng bantog na sculptor na 10 feet ang laki ng mga rebulto na gawa sa cast bronze at solid carve glass.
Aniya, mahalaga na kilala ng publiko sa kasalukuyang panahon (and beyond) ang mga ginamit na personalidad upang may “recall” ang mga estatwa hanggang sa pagdating ng panahon, hindi ‘yung basta kukuha na lang sila ng model na hindi kilala ng mga general public.
Kagabi (Jaunary 27, Thursday) ang unveiling ng mga statues nina Piolo at Charlene na dinaluhan nila sa Quadricentennial Square ng nasabing oldest university in the Philippines.
Kakaibang level na ang pagiging mga artista nina Piolo at Charlene dahil may mga sariling rebulto na at sa isang respetadong unibersidad pa ito nilagay, and this will be lifetime na, huh!
Kung totoo ang mga sabi-sabi noon na si Fernando Poe Sr. ang kinopyahang modelo ng UP Oblation sa UP Diliman (hindi kumpirmado ito pero ito ang sinasabi ng marami noong araw), eh ‘di ka-level na nina Piolo at Charlene ang dakilang ama ni FPJ!
GAGANAPIN NAMAN ANG The Philippine International Arts Festival (PIAF) ngayong Jan-uary 30, Linggo, bilang Arts month ang buwan ng Pebrero. Ito ay handog ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ang Manila Grand Opening program na ito ay magpapalabas ng mga bonggang performances highlighting the activities of the seven arts for PIAF 2011.
Dadalo ang NCCA Youth Ambassador na si Dingdong Dantes at Arts Ambassador na si Boy Abunda.
Sa hapon ay may parade of higantes, marching bands, street dance groups, at ilang mga artists and cultural workers ng bansa.
Nakakatuwa at kahit na busy sa kanyang showbiz career si Dingdong ay tinanggap niya ang challenge upang maging NCCA Youth Ambassador for two years, na malaking bagay para kay Dingdong dahil kahit siya mismo ay may itinatag na Yes Pinoy Foundation na mga kabataang Pinoy rin ang tinutulungan.
Next in line for Dong ay ang I Heart You Pare na isang romantic-comedy teleserye nila ni Regine Velasquez sa GMA 7.
For feedback, please e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro